548 Heartbeats by peachxvision

5.3K 36 22
                                    

548 Heartbeats by peachxvision

Ito ang first ever story na nabasa ko na modern Filipino fiction. Di ko pa alam yung wattpad nun. Matagal ko na to gusto basahin kasi usong-uso to sa mga schoolmates ko na lower batch. Kilig daw tapos nagppost pa sila ng quotes galing dito! Kaya nung summer, nung pinacopy ako ng co-intern ko galing sa USB niya, todo basa ako. Ayy grabe naadik ako!! 2 days lang natapos ko! Dapat one day lang kaso syempre ayun busy din nung summer :P So eto naaaaa!

PLOT: Sa totoo lang, simple lang ang plot ng story na to. Isang typical na high school girl na may gusto sa schoolmate niya kaso di siya nito mapansin. At kahit nung naging close sila, di pa rin sila pwede. Maraming hadlang and stuff. Simple lang diba? Pero wag kayo! Para sa akin, ito ang pinakanakakakilig na story na nabasa ko ever! Oo, simple ang plot. Pero ang impact grabe kakaiba! Realistic siya at parang based sa totoong buhay. Para sa akin, what makes it remarkable eh yung fact na it’s your own story. Alam naman natin yan na nung high school tayo minsan din tayo nagkagusto ;) Para siyang yung movie na Crazy Little Thing Called Love (First Love), it was once your own story. :)

CHARACTERS

Peach Xeira Anderson – Sa lahat ng mga stories na nabasa ko, kay Xei ako pinakanakarelate. Marami kasi kaming similarities. Pareho kaming chubby (haha) at mahilig mag-aral (noon lang yun sa akin). May something din na pareho sa school namin :P Pero ang endgame nito, typical na high school girl siya. Di pansinin, di maarte. Secret crush lang yung meron siya. Nakakaaliw siya kasi simpleng bagay lang kinikilig siya. Mabait at selfless din siya. Iniisip niya yung iniisip ng iba. Mahalaga din sa kanya yung pamilya niya. Isa sa pinakamabait at relatable characters na naencounter ko :D

Kyle Solomon – Oh my gosh! Isa si Kyle sa mga pinakanakakakilig na guys na naencounter ko :) Medyo opposite sila ni Xei dahil di yata siya masyadong matalino. Hindi siya ang perfect na guy, pero Xei makes it sound that he’s your dream guy. Minsan ko na rin pinangarap na magkaroon ng sariling Kyle. Haha. Siya kasi yung tipo ng lalaking papangarapin mo pag high school ka. Yun nga lang, feeling ko may pagka-pafall siya. Pero okay lang, kahit bata pa sila, iba din yung love niya kay Xei. :D

Chris (Daddy) – Nakalimutan ko surname ni Chris! Si Chris ang martyr ng story. Minsan mo din hihilingin na sana siya nalang ang magustuhan ni Xei. Mabait siya at hindi selfish. At syempre, iba ang gusto ko para kay Chris :P Pero sorry, Kyle-Xei ako forever! :D

WRITING STYLE: Ang writing style ni peachxvision (ms.jessamine) ang pinakadeep sa lahat ng mga nabasa ko. Pagdating din sa paggamit ng words at grammar pati sentence structure (lol parang sa classroom lang hahaha), hands down ako sa kanya. Kung naghahanap ka ng story na hindi jeje at gusto mong maramdaman yung story, basahin mo mga works ni peachxvision. Oo, simple yung plot pero ipapadama talaga sayo ng author yung emotions sa story. :)

[3] OVERALL: Sa totoo lang, 548 heartbeats pa rin ang all time favorite ko. Medyo nagbago nga lang kasi di na ako high school. Haha! Iba kasi talaga yung impact nito sa akin. After kong basahin ito, may mga bagay akong inayos about sa high school life ko. Humingi sa dapat hingan ng closure. Alams na :P Hahaha! At ang pinakanapulot ko sa story na ito? Sa high school kasi, simple lang ang love life. Gusto mo siya, gusto ka niya, okay na. Di niyo na kailangan iconsider kung compatible ba kayo, or kung paano magmaintain ng communication. Minsan siguro, tayo lang ang nagpapacomplicate ng relationships :D Wag din natin kalimutan mag enjoy katulad nung high school tayo :D

EXTERNAL LINK: Nasa external link yung soft copy na nasa website ni miss jessamine :D

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now