Secretly Married by forgottenglimmer

2.3K 7 3
                                    

Secretly Married by forgottenglimmer


As expected, kasama to sa must-reads and all-time favorites! Ito ba naman yung may pinakamaraming reads na Filipino story sa Wattpad? Hahaha ang galing lang! :) Inistart ko to nung sembreak last year pero dahil medyo mahaba siya at inabutan na ako ng pasukan, tinuloy ko nalang nung Christmas break. HAHAHA andami ko pang kwento. So eto na :D

PLOT: Para sa akin, ito na yata ang story na nabasa ko na may pinakamaraming twists at exciting na plot! Andami kasi nangyayari dito. Haha! Sa totoo lang, gusto ko yung concept ng story kasi ang unique niya. Yung title itself, makakacatch na talaga siya ng attention. I find it interesting and exciting na yung kwento ay about two people na "secretly married" at hindi nila pwedeng ipaalam na kasal na sila. And then icombine mo pa yun na si Kent ay isang artista so syempre hindi magandang publicity para sa kanya kapag nalamang kasal na siya. Tapos yung development kung paano sa simula hindi naman talaga nila mahal ang isa't isa but in the end, you will see the process how they fell in love with each other. At syempre, yung may (epal HAHA) na kontrabida na manggugulo sa relationship nila at susubukin ang trust nila sa isa't isa.

So in short, ang galing ng pagkakacombine ng mga elements at twists ng plot! Ang galing lang eh, tama yung pasok ng mga conflict, kaya mahhook ka din talaga dito. Kasi every chapter may nangyayari, may development kay Phoebe at kay Kent. Kumbaga yung mga twists dito talagang ito yung mga pagsubok sa relationship nila at kung paano sa dulo, they ended up strong and loving each other more. So for me, one of the great love stories ever told dito sa Wattpad ang Secretly Married. :)

CHARACTERS:

Phoebe Bernal-Fuentebella - Talagang may Fuentebella na! Hahaha! For me, si Phoebe din ang isa sa mga pinakaemotional at pinakavulnerable na main girl character na naencounter ko sa Wattpad. Nakikita ko kasi na every conflict na naeencounter nila, siya yung pinakaaffected. Siya yung nagssuffer. Selosa din kasi siya HAHAHAHA. At makikita mo kasi na sobrang naapektuhan siya sa mga pinaggagagawa ni Elisa kaya habang binabasa ko yung story, ang sakit talaga sa puso. Tapos dumating pa sa point na nawala yung little angel nila. At maganda din na dumating sa point na halos sumuko na siya. Ay syempre, ayoko naman sumuko na siya! Pero ganun talaga, may limits kasi ang tao :))

Kent Fuentebella - Si Kent naman ang isa sa mga pinakamasungit na guy characters na naencounter ko! Hahahaha! :)) Napakabugnutin at matampuhin din niya. Seloso din siya ayaw niya aminin HAHAHA. Pero kahit ganun, mahal niya si Phoebe. Makikita mo naman na ginawa niya ang lahat. Nahirapan din ako para sa situation niya dahil siya yung laging naiipit. Siya yung artista na kailangan protektahan yung image niya at kailangan laging magpaliwanag kay Phoebe. For me, sa kanya ko pinakanafeel yung conflict. And yes, actually, lagi din siya affected. At pinakagusto ko sa kanya? Hindi kasi siya sumusuko kapag may problema. :)

Harley Villaluz - Siya ang martyr sa story na to. Wala nga siyang ginawa kundi protektahan si Phoebe at gawin kung anong makakabuti sa kanila. And yes, actually gusto ko siya hahaha. May point din na ginusto ko siya para kay Phoebe nung mga times na nahihirapan sila ni Kent. Gusto ko din yung character niya, para kasing ang bait bait niya.

Elisa Romualdez - Siya naman yung binoto ko sa Wattpad Pinoy Awards na best kontrabida ever! Grabe naman kasi eh! Actually, oo nga. Sa lahat ng mga kontrabida sa mga stories, sa kanya ako pinakanabwiset. Kung ano ano kasi pinaggagagawa niya eh. Siya yung pinakanagpastress sa akin sa kwentong to. Buti nalang sa dulo medyo bumait na siya. Hahaha. :))

WRITING STYLE: Third Person POV. As simple as that. As simple as that, pero ang galing ng pagkakasulat! Okay naman ang paggamit ng words at maiintindihan mo ang flow ng story. Big spaces for more breathing space :) And yes. Pinatunayan ng story na to na hindi kailangang laging 1st Person POV na usong uso dito sa Wattpad para maging maganda ang isang kwento. :D Ang galing lang :D

OVERALL: It's really worth reading. Deserving sa 20+ million reads :)

EXTERNAL LINK: Secretly Married by forgottenglimmer

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now