Diary ng Panget by haveyouseenthisgirl

2.9K 17 4
                                    

Diary ng Panget by haveyouseenthisgirl

Nakilala ko si Ate Denny dahil kay Ate Aly. hahaha. sa BTCHO kasi, ang pangalan ng kaloveteam ni france dun ay denny. tapos dun ko nalaman si ate denny! isa pa, lagi kong nakikita sa recommended yung Diary ng Panget at andami ng reads. At ayun! Binasa ko na nga! :D

PLOT: Isa sa mga nakakatuwang plot ang Diary ng Panget. As in, nakakatuwa talaga! Start palang, nakakaexcite na basahin. Kasi ba naman, tungkol sa "panget" na si Eya na mababa ang self-esteem :)) Yung tipong aminado siya na panget siya. Hahaha XD Tapos eto naman si Cross ang exact opposite ni Eya. Gwapo tapos bench model pa! Eh kung pagsamahin mo sila tapos si Eya pa ay personal maid (tama ba?) ni Cross. EXCITING LAANGGG! Kaya nakakatuwa at nakakawili yung story na to :) Ito yung kauna-unahang story na grabe lakas ng tawa ko! As in, para akong shunga na mag-isang tumatawa sa kwarto nun. HAHAHA! Ang tinatawanan ko pa nun yung ilang beses na tinatanong ni Eya si Cross kung nagsasalamin daw ba siya. Di naman super nakakatawa pero bastaaaa TAWA AKO NG TAWA!!! Tapos andyan pa si Chad, ang all time WHAT-IF ko forever <3 as in! sa lahat ng mga nabasa ko, sila pa rin ang pinakamalaking WHAT-IF! As in.. what if sila nalang? Hahaha! Kaya ayun, maganda yung story kasi sa una, makikita mo kung paano binago ni Eya si Cross. For me, naging better person siya. Pero after sometime, marerealize mo, binago rin ni Cross si Eya. At yung flow ng story? Ang gandaaaa lalo na yung pasabog sa dulo! yung super twisted plot! As in! I never saw that coming :) Napakaunpredictable ng story at sobrang feel good niya :)

CHARACTERS:

Eya Rodriguez - Si Eya ang isa sa mga characters sa Wattpad na makakarelate ka talaga. Ayun nga, aminado siya na panget siya. Wala lang, ewan ko lang ha, pero parang may ilan sa atin na feeling natin di tayo maganda. HAHAHA AKO NA MABABA SELF ESTEEM! Kaya ayun nga. Pero gusto ko din dahil simpleng girl lang si Eya. Walang arte sa katawan. As in simple lang. Kaya mas magsshine sa story na to yung attitude niya as a person. Na oo nga, yung isang tulad niya yung makakapagpabago kay Eya. At oh em! Yung oras na para mahalin mo ako? YUN YUN EH! =)

Cross Sanford - Si Cross ang complete opposite ni Eya. Gwapo, Bench model, mayaman at walang respect sa magulang. Isang guy na sobrang kaiinisan mo! At inis na inis pa siya kay Eya nun! Hahaha! Pero nakakatuwa lang, kasi nakita mo yung changes sa kanya. Kung paano siya unti unting nagffall kay Eya. Na natuto siya magmahal ng totoo. Nawala yung pagkaselfish niya. Ang ganda ganda ng development sa character niya.

WRITING STYLE: Isa rin sa pinakamaaayos na writing style yung kay Ate Denny. The best! Sobrang daling intindihin :) Modern yung paggamit niya ng language. At maffeel mo talaga yung youth niya sa story niya :)

OVERALL: Sa lahat ng mga nabasa ko, Diary ng Panget ang isa sa pinaka good vibes na kwento! Yung tipong, oo nga may medyo sad twist sa dulo pero althroughout habang nagbabasa ka, as in happy mood lang. Nakakasawa din kasi yung stories na puro depression. Oo na, ako na mabilis madepress sa mga stories :)) Kaya nakakawala ng stress! At si Cross at Eya? Isa sa mga pinakaunique na characters na makikilala at mamahalin mo :)

External Link: Diary ng Panget by haveyouseenthisgirl

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now