Let Me Be the One by mi-mhytot

1.9K 6 0
                                    

After ng TBYD/NTBG, ito yung next na long story na binasa ko. Part kasi si Kyo ng Lucky 13 diba? Ayun, medyo may part siya sa NTBG kaya nacurious ako. Hahaha! Nabasa na rin yun ng isang friend ko, kaya ayun, binasa ko na rin :)

PLOT: Isa na yata ito sa pinaka-heartbreaking at pinakamadramang plots ng story na nabasa ko. Nung unang part, normal pa eh. Matatawa ka lang kay Renesmee kasi medyo palaban siya at ang hilig niya sa ice cream. Hahaha! Sobrang unique din ng start! Yung scene sa mall at yung trip nila ng kakambal niya. :)) Kung paano na nakilala ni Renesmee sila Sol, Kyo at Daesung at kung paano nadevelop ang mga feelings nila. And as the story progresses, grabe lang ang sakit sa puso!! </3 Ang dami kasing cases ng unreciprocated love dito!! Magwwish ka nalang na sana magkaroon sila ng happy ending. Medyo magagalit ka din sa ibang characters (baka ako lang pala yun HAHA). Tapos yung twists sa dulo! Sobrang unexpected din yung twists... kasi it roots from their childhood pa pala. At doon mo makikita kung bakit "let me be the one" yung title. Ang ganda ng story na to kasi ang unpredictable niya.. at ang ganda ng ending :)

CHARACTERS:

Renesmee Clarkson - For me, unique na character si Renesmee. Kung ano yung nasa description, yun siya talaga. Palaban at matapang. Handang gawin ang lahat para sa mahal niya sa buhay. But deep within her is a good heart. Emotional din siya at madaling masaktan. Vulnerable to pain. Kaya ramdam na ramdam ko din yung emotions niya habang binabasa ko ang POV niya! At dahil dun, for me, sobrang deserving niya ng happy ending... and she got that. :) Unique din pala siya, matakaw sa ice cream! Hahaha! :)))

Sol - Si Sol naman ang isa sa mga guy characters na medyo mahirap basahin para sa akin. May pagka-unpredictable din kasi nung una, hindi mo talaga alam kung sino ang mahal niya. Pero he's a really loving character. Nung naging sila ni Renesmee, pinakita rin niya kung gaano niya siya kamahal. :) 

Kyo - Bet ko si Kyo grabe! Well, gusto ko si Sol para kay Renesmee tapos akin si Kyo. HAHAHA joke lang. =)))) Gusto ko siya kasi para siyang buddy-buddy type of guy, masayang kasama. Mahal ka rin niya pero at the same time he can be a friend to you. And if there's one thing na maaalala mo sa kanya, martyr siya. Grabe lang! Kahit na si Sol yung mahal ni Renesmee, he never left her side. Kaya for me, sobrang ideal guy niya. :)

WRITING STYLE: Maganda ang pagkakasulat nito. Saktong mix of English and Filipino words lang at hindi nosebleed. Hanga rin ako dito kasi it really takes a lot of effort para makapagsulat ka ng heavy drama at masasakit na lines at para maincorporate yung iba't-ibang klase ng emotions. Para rin kasi mapafeel mo sa readers yung emotions, medyo kailangan alam mo rin kung paano yun icconvey through writing. And I think, nagawa ito ng LMBTO.

OVERALL: Katulad ng sabi ko kanina, isa nga ito sa pinakamadrama at pinaka-emotional na story na nabasa ko. Napakajam-packed din niya, every scene maraming nangyayari and there is no dull moment. Prepare tissue nga kapag babasahin mo to, nakakaiyak siya :)) Ayun lang, definitely a must-read! :D

EXTERNAL LINK: Let Me Be the One by mi-mhytot 

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now