She's Dating the Gangster by SGWannaB

3.3K 27 17
                                    

She's Dating the Gangster by SGWannaB

Pagkatapos ng 548 heartbeats, ito yung sunod na binasa ko. Yun nga lang, after two months ko siya binasa dahil sa sobrang hangover sa 548. Hahaha. Sa totoo lang, ilang beses ko na rin to nakita pag nagssearch ako. Tapos parang nakita ko na rin yata na ang ending ay mamamatay silang dalawa? Di ko lang pinansin. Akala ko baka tinangay sila ng earthquake or whatever. Hahaha! Pero ayun nga, binasa ko to mga July 2012. At grabe lang!! Dahil dito pumasok ako sa school ng walang homework!! At sa must reads ko, pwede ba naman mawala to? O ayan na, She's Dating the Gangster, ang nag-iisang legendary story na kahit isa walang pumantay. :)

PLOT: Para sa akin, ang SDTG ang isa, kung hindi ang pinakamagandang plot sa lahat ng mga stories na nabasa ko. Start palang, nahook na talaga ako. Yung first chat ni Kenji at Athena. Epic yun grabe! Yung mga sungitan moments nila. Yung di magagandang nangyari sa kanila, lalo na nung binabalikan na ni Abigail si Kenji. Halos di na nga ako matulog para matapos yun! Sa una, typical story palang... pero nung patapos na, then came the most heartbreaking moments ever. Unti unting kinakain ng sakit sa puso si Athena. The way Kenji and her spent her last moments together.

At yung ending?! Grabe lang!! Ang kauna-unahang story na iniyakan ko ever! At hanggang ngayon, wala pa rin akong iniiyakan tulad ng pag-iyak ko sa SDTG. Ang tanong ko lang kay Kenji... BAKIT GANUN?!! Para sa akin kasi, kung ako ang nasa lagay ni Kenji, di ko yun gagawin. Mala- A Walk to Remember kasi peg ko. Nagbagong buhay si Shane West. HAHAHA. Pero iniisip ko ulit, kung yung pagmamahal mo kasing lalim ng kay Kenji, ganun din ang gagawin. Si Kenji delos Reyes yun eh.

Para sa akin, isa to sa mga pinakamagagandang stories. Hindi lang kasi ito nagfocus sa ending kundi nagfocus din siya sa relationship ni Sexylove at LoveBabe. Memorable yung bawat scene para sayo. :)

CHARACTERS:

Athena Dizon - Si Athena ang isa din sa mga pinakaminahal kong main characters sa mga stories na nabasa ko. Typical na babae kasi siya. Makakarelate ka rin sa kanya. Wagas kung magmahal. Good friend, good daughter. Pero martir siya. Ah hindi, sobrang mahal lang niya si Kenji to the point na pinalayo niya to nung lumalala na yung sakit niya. Sobrang inaadmire ko yung love niya kay Kenji :)

Kenji Delos Reyes - Isang gangster na may malambot na puso pagdating kay Athena. Pero tingin ko, matagal na kasi siya magaling magmahal. Kahit sila pa ni Bee, mahal na mahal niya yun. Dun nga nagsimula yung story diba? Kayang kayang tapatan ni Kenji yung pagmamahal niya kay Athena. Kaya sobrang inadmire ko ang Sexylove-Lovebabe na loveteam. Di mo kasi malalaman kung sino yung mas nagmamahal kanino. Ganun nila kamahal ang isa't isa kaya kahit eternity, nilampasan pa nila.

Athena Abigail Tizon - Isa sa mga kontrabidang kaiinisan mo ever!! Haha! Sa unang part, kaiinisan mo talaga siya dahil hindi lang niya hinahadlangan si SL-LB, kundi sinasaktan pa niya si Athena. Pero sa bandang dulo, maiintindihan mo din siya. She will make you love her too. Dahil katulad ni Athena, ganun din ang pagmamahal ni Bee kay Kenji. Kakaawaan mo din siya sa dulo. Hands down kay Miss Author dahil nagawa niyang makisympathize tayo sa kontrabida! :))

Lucas Lazaro - Ay mali. Para sa akin siya pala ang pinakamartir sa kwento! Ang sarap nga niya agawin at bigyan ng happy ending. Haha. Isipin mo siya ang sumalo kay Abigail pati kay Athena? Nakakaawa din siya pero I guess masaya na siya enough na makitang masaya si Athena. Pero ever since, Kenji-Athena talaga ako. Never ko ginusto na maging si Lucas at Athena. Haha.

Writing Style: Isa rin ang She's Dating the Gangster sa mga stories na pinakamatino yung language. Wala ring jeje at shortcuts. Maiintindihan mo bawat nangyayari. At grabe, kabog na kabog sa lines at quotable quotes! Lalo yung pagsasabi nila ng I love you sa bandang dulo. Pero ang pinakamemorable sa akin ay yung ito:

Athena: I like you, idiot!

Kenji: Ako ba hinde?!!

Grabe!! Sumabog lang ako sa sobrang kilig! Para sa akin, ang tapang din ng author dahil kinaya niyang gawin yun sa mga characters niya. Sobrang courage lang talaga. Syempre bilang author, mahal mo din ang characters mo. :) On the other hand, tingin ko, mahal din niya ng sobra yung characters niya kaya pinagsama nalang niya sila. :) Go ate bianca! :D

[2] OVERALL: You'll miss half of your life kung di mo pa nababasa ang story na to. Ah, hindi baka you'll miss your whole life pa nga! Haha! Alam ko din na maraming mga Wattpad legends na nainspire sa story na yan. :) Pero hindi nga. Maganda itong intro sa world ng Wattpad. Haha. At isa pa, 100% sure akong ito yung story na tatatak sayo at hindi mo makakalimutan ever. A story that you will love like no other. Good job Ms. SGWannaBe! :D

EXTERNAL LINK: Link of She's Dating the Gangster sa Wattpad :)

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now