Baka Sakali 1&2 by jonaxx

1.2K 15 2
                                    

Nung ongoing pa tong Baka Sakali, sobrang nacucurious talaga ako! Lagi ko kasi siya nakikita sa What's Hot tapos nagcocomment din yung mga authors na finofollow ko sa story na to. Kaya once na makita ko na completed na siya, ayun, start agad ng basa! :D

PLOT: Start palang yung nababasa ko, I was like "Whoa". Sobrang kakaiba at unique! Yung start kasi nitong story, lilipat na sila Rosie sa Alegria, yung province nila kasi naghihirap na sila. Add to that the fact na iniwan siya ni Callix, yung boyfriend niya. And that's where the story begins. Kaya ako sobrang natutuwa dito kasi wala lang, di mo akalain na may mabubuong love story sa place na to! Yung akala ni Rosie na sobrang boring sa Alegria, naging sobrang memorable yung place na yun para sa kanya. At yung twists sa story na to, ang sakit sa puso. Hindi mo alam kung maiinis o maaawa ka sa mga characters. May mga characters na akala mo mabait, hindi pala. Ang sure lang, maiinlove ka kay Jacob <3 Haha! At syempre, sobrang worth it yung ending. :)

Gusto ko rin yung Season 2! Actually, medyo nakarelate yata ako dito? Hahaha! :)) Wala lang, kasi dito, pinapakita yung usual na pinagdadaanan ng relationships. Ang concept ng season 2 ay about growing together in a relationship and trust. Ang galing, sobrang mararaming matututunan dito! 

CHARACTERS

Rosie Aranjuez - Natutuwa at the same time naiinis din ako kay Rosie! Hahaha! Nakakatuwa yung personality niya. May pagkamataray at palaban kasi siya! Syempre, medyo nakakainis din paminsan kapag pinapaniwalaan nalang niya kung ano yung nakikita niya before any explanations lalo na sa Season 2. Pero syempre expected naman din yun... )) At pinakanatutuwa ako sa lahat, sobrang lakas ng epekto sa kanya ni Jacob! Kahit nung maging sila na, pinagpapantasyahan pa rin niya yung sparkling abs ni Jacob! :))

Jacob Buenaventura - He's a great guy. Katulad nga ng sabi ni April sa Season 2, he feels like he wants to be the hero of everyone. He has a good heart at likas na mabait talaga siya sa mga tao. But what I admire about him the most, sobrang mahal na mahal niya si Rosie! Never nagwaver yung pagmamahal niya. Ayun nga lang, he's damn right possessive. Tawa ako sa Property of Jacob Buenaventura shirt eh!! Gusto ko din ng ganun! Hahaha joke! Natutuwa din ako sa pagkapossessive niya, kasi parang hindi siya nakakasakal. Parang yun yung type ng possessiveness na kikiligin ka at marerealize mo na mahal ka niya. Ideal guy siya sobra!!

WRITING STYLE: Sorry kung biased pero ngayon palang sasabihin ko na. Yung writing style ni ate jonaxx at pinakafavorite ko sa lahat! Grabe, sobrang hanga lang ako! Ang well-versed niya sa Filipino! Dito lang kasi ako nakaencounter ng mga malalalim na words like, "halukipkip" and "suminghap"! Hahaha :)) Kaya ako natutuwa kasi I thought yung malalalim na Filipino di ko maeenjoy kasi puro nababasa ko lang sa school yun at di ko pa maintindihan. Pero sa mga works ni ate jonaxx, sobrang naappreciate ko siya. Ang detailed din niya pagdating sa descriptions like sa expression ng mukha at pati sa itsura ng character. Kung naghahanap kayo ng stories na super ganda and ayos ng pagkakasulat, ito na yun. And last, masasabi ko na may unique na writing style si ate jonaxx. Yung tipong kapag nabasa mo yung isang work, masasabi mo agad na sa kanya to. Kapag gumagamit din siya ng English phrases, ang ayos din ng grammar. Sobrang hands down talaga ako! 

OVERALL: Wala na akong masabi, ang ganda talaga ng stories ni ate jonaxx! Sa lahat ng mga stories niya na nabasa ko, I would say na ito yung pinakafavorite ko pagdating sa plot. Maganda talaga yung story as a whole and di ka magsisisi kapag binasa mo to. Unique and talagang tatatak sayo. There's never a dull moment! :D

P.S. Hi ate! Kung mababasa mo po ito, request lang po! Sana may special chapter ng kasal ni Jacob at Rosie! Hahaha :D More power po sa stories niyo!

EXTERNAL LINK: Baka Sakali (Season 1)

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now