Tayo Na Lang by mercy_jhigz

3.2K 18 9
                                    

Tayo na Lang by mercy_jhigz

Kakadownload ko lang ng Wattpad app nung binasa ko to. Actually, ito talaga ang first story na binasa ko from Watty! At ang taray ah, nirecommend siya ng app! Haha! Wala pa akong kaalam-alam nun sa mga must-reads and stuff. Bakit ko to pinili? Baka kasi dahil sa title? Or dahil sa playful kiss? Haha! Anyway, eto na!

PLOT: Para sa akin, yung TNL ay isa sa may magagandang plots sa lahat ng mga nabasa ko. Dalawang college (Engineering) students na nagkagustuhan at nagmahalan. Typical na relationship na may ups and downs. At yung plot! Tungkol dun sa fraternity! Yung lumayo muna si boy para kay girl.  Basta nakacenter yung story sa relationship nila! Natutuwa ako sa flow ng story kasi maiintindihan mo lahat ng nangyayari. Dahil ito din yung unang non-teen fiction na binasa ko, nung una nanibago ako. Kung makikita mo sa previous reviews ko, puro teen fiction yun. At teen pa ako nun (ngayon hindi na CHOS HAHAHA). Pero ang ganda! Kasi alam mo yun, kinilig ako sa ibang way? Yung di ka dadaanin sa patweetums na kilig. Yung medyo mature na kilig na masaya. meh ganun? Hahaha. Matatawa, malulungkot at kikiligin ka dito. At shrek ito. :> Haha. Tatak ni ate cas yan eh. Haha. :> At yung nagsimula ang lahat sa simpleng "Tayo na Lang"? THE BEST YUN! =)

CHARACTERS: Si Ethan at Janine ang isa sa mga pinakamamahalin mong characters. Simple din sila at madali kang makakarelate lalo kung college student ka. Hahaha. Simple din yung pagkakagawa ng author sa kanila. Meron kasing mga characters na di mo maintindihan - yung bigla nalang mabait tapos biglang magsusungit tapos biglang tatahimik. Gulo lang? Hahahaha. Pero si Ethan at Janine, sila yung tipo ng mga tao makikita mo sa araw araw. Mamahalin mo din sila kasi love nila ang isa't isa :)

WRITING STYLE: Isa si Ate Cas sa mga authors na may unique na style. Nung una nanibago ako kasi nasanay ako sa puro wordy at mahahabang paragraphs. Pero nung binasa ko ito, narelax ako at natuwa. Kasi ang gamit niya ay short paragraphs at maraming spaces. So maganda kasi may breathing space ka in between sa pagbabasa. Nakakainis din kasi magbasa kapag marami masyadong words! At ang maganda, nadedescribe niya lahat sa short paragraphs. Wala ka ng tatanungin pa. Straight to the point at honest. At higit sa lahat, kapag binasa mo yung story niya, malalaman mo na si Ate Cas ang sumulat. Kumbaga, tatak mercy_jhigz. Nabasa ko na rin sa ibang mga stories niya yan. :)

OVERALL: Gusto ko itong story na to :) Hindi ako nagsisisi na ito yung first na nabasa ko kasi maganda talaga. Feel-good  talaga siya. :)

EXTERNAL LINK: Link to Tayo Na Lang by mercy_jhigz

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now