Talk Back and You're Dead 1&2 by Alesana_Marie

2K 9 2
                                    

Matagal ko na to gustong gawan ng review kasi isa to sa mga favorites ko! Never Talk Back to a Gangster pala yung title ng 2nd book. Yung Book 3 di pa tapos so di ko muna magagawan.  Anyway,  natapat talaga na birthday ni Ate Ales yung paggawa ko ng review sa TBYD kaya para sayo to ate! Happy birthday po! :D

PLOT: Isa sa mga pinakaexciting na plots ang TBYD! Ang galing lang, mahhook ka talaga. Simula palang, bet ko na yung pagkikita ni Sammy at ni TOP. Yung sa National Bookstore, ang unique kasi nun! Ang ganda din ng mga sumunod na nangyari kasi doon mo makikita kung paano nadevelop ang love story nilang dalawa. Kung paano nila both nadiscover yung pagmamahal nila sa isa't isa. Yung mga pagsubok na pinagdaaanan nila sa start ng relationship. Gusto ko din yung part na kailangan magdeal at intindihin ni Sam yung pagiging gangster ni TOP. At nung pinaghihiwalay sila ng parents nila, grabe lang, sakit sa puso! <//3 As in, feel na feel ko yun.

Kung maganda yung book1, grabe gusto ko din yung NTBG! Sobrang ganda ng conflict, as in nung nainlove din si Sam kay Red! Nakakainlove naman kasi talaga si Red eh, tapos gwapo din ni Jaejoong *O* HAHAHAHA! Ang hirap kasi isipin kung posible ba talaga na mainlove ka ng sabay sa dalawang tao? But then again, gusto ko yung naging decision ni Sam at yung reason kung bakit niya pinili si TOP. Kasi she can't look at him only as a friend. And para sa akin, sobrang justified nun, kasi for me, the story was really about the both of them. All in all, ang ganda ng plot, tamang twists and sobrang unexpected ng turn of events. :)

CHARACTERS:

Miracle Samantha Perez - Sa Wattpad Pinoy Awards, siya yata yung ninominate ko na Best Female Character! Actually, siya yung pinakagusto kong female character sa lahat ng stories na nabasa ko. Ang ganda kasi ng conflict within her. Yung tipong tintry niya maging perfect for everyone, pretending she's happy when she's not at naipapakita niya lang yung totoong self niya sa mga close friends niya. Ramdam na ramdam ko din siya kapag POV niya yung binabasa ko. Ang ganda din ng development ng character niya sa dulo, nung narealize niya na hindi na niya gustong magpretend. Pero syempre, favorite ko pa rin yung part kung paano siya nagdecide between kay TOP at Red. Ang swerte din niyang babae, inggit ako! HAHAHAHA! =)))

Timothy Odelle Pendleton - Sa totoo lang, hanga ako kay Ate Ales (sorry na FC ako HAHAHA) dun sa sinabi niya na hindi niya gagawan ng POV si TOP kasi baka di mapanindigan. For me, inaadmire ko yun kasi pinapakita niya yung maturity as a writer. At gusto ko rin na mysterious si TOP! Siya din kasi yung isa sa mga pinakakakaibang guy character na naencounter ko. Mysterious but at the same time matapang. Lahat gagawin para kay Sam. Tipo ng lalaking ipaglalaban ka. Para sa akin, sobrang perfect nila para sa isa't isa. :)

Jared dela Cruz - Grabe lang, si Red na yata ang pinakanakakainlove na lalaki sa Wattpad! Hahaha! Eh kasi basta... gusto ko siya. Sobrang ideal ng characteristics niya. Gusto ko siya kasi parang siya yung friend type na andyan lang lagi para sayo. Yung hindi mo na kailangan mahiya o magpretend pa. Tanggap ka niya for who you are. At handa rin siya na gawin ang lahat para kay Sam. Ang totoo kasi nyan, gusto ko si TOP para kay Sam, tapos akin si Red! HAHAHAHA JK =)))

WRITING STYLE: Para sa akin, isa ito sa mga stories na may pinakamaayos na writing style. Tamang grammar, punctuation and paggamit ng words. Ang fluent din ng paggamit ng Filipino, ang galing galing lang :D Tamang emoticons lang din. At ang pinakagusto ko dito? Sobrang consistent ng mga POV at mga characters (favorite ko yung kay Audrey HAHAHA). Kumbaga, may distinction between the characters. May iba kasing story na lahat ng characters, iisa lang ng way ng pagsasalita. Pero dito ang galing, kasi feel na feel mo bawat character.

OVERALL: Ang lakas ng impact ng story na to! Pati ikaw mahihirapan ka din pumili between TOP and Red. Feeling lang pala ako hahaha XD Nakakadala din talaga at sobrang iba't-ibang emotions yung maffeel mo habang binabasa mo to. At ang gwapo at ganda ng mga character performers. Hihihi XD Unforgettable, definitely one of the must-reads. :) Galing lang po! :D

EXTERNAL LINK: Talk Back & You're Dead by Alesana_Marie

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now