If I Fall by shirlengtearjerky

1.8K 8 2
                                    

If I Fall by shirlengtearjerky

Ngayon palang inuunahan ko na kayo, wala na yung IIF sa Wattpad :( Hindi na rin siya irerepost kahit saan for personal reasons daw. Wag na rin kayo magtanong kung may softcopy kasi wala! :)) Pero kahit na ganun, gusto ko pa rin gawan ng review to, syempre favorite ko si ate leng! :DD Dati ko pa talaga siya gustong basahin, syempre no.1 favorite ko ang TDG. So here goes!

PLOT: For me, pinakamemorable sa story ang plot nito. Actually, agree ako kay ate leng!! Sabi kasi niya, parang mas nakikita niya yung IIF as a teen series. Yung parang Growing Up dati (pero di ko naman napanood yun hahaha). And I agree kasi for me, this is what makes the story unique! Ang galing kasi bawat character may sariling kwento. Mahilig kasi ako sa ganun, yung may barkadahan, etc. Bawat couple may sariling pinagdadaanan, bawat character may past at may sariling personality. Kaya ko to gusto kasi parang ibinabalik ka niya sa high school. Eh di lalo kung nasa high school ka pa, nakarelate ka lalo! :)) Ang galing din kasi, one of a kind na naman to sa Wattpad. Yung tipong high school students really act like high school students. Napakatrue-to-life niya. Katulad ng TDG, napakarich din nito sa culture. Yun bang, napakainfluential niya!! Dahil nga sa story na to, bumili ako ng Para kay B!! And lastly, katulad ng nagustuhan ko sa TDG, this is definitely one of the stories na babasahin mo hindi para lang malaman yung ending, kundi para ienjoy ang bawat scene. :)

CHARACTERS: Dahil marami to at medyo tinatamad ako (hahaha lol), ang gusto ko lang sigurong sabihin ay nakakatuwa kasi iba't-iba 'yung characters. Bawat character unique! Si Barbs naman talaga yung highlight dito eh! Nonconformist ba! :)) Nakakatuwa yung mga lines niya, as in mag-isa ako sa kwarto tawa ako ng tawa. Hahaha. :)) Si Cyrus naman, conundrum at pamysterious effect. Astig siya, nakakatuwa din siya, lalo na yung mga moments na nagbabarahan sila ni Barbs lalo na sa CAT! Si Seth naman ang dakilang nonconformist. No offense ha, pero di ko siya bet! :)) Sarreh, ByRus forever ako eh <3 ChesNine naman ang isa pang bet kong couple. Trip ko kasi yung ganun, yung friends friends lang! :))

Si Sir Lean, siya din yung dream teacher ko! Ewan ko din, parang ang exciting kasi ng student-teacher relationship :)) At si Vivien, actually para sakin, siya yung pinakakatulad ko (?) Mahilig kasi ako mag-aral... dati :)))) At syempre ang favorite couple ko, WesKy!!! Nakakatuwa sila. At sa mga IIF guys, si Wesly yung pinakafavorite ko! Feeling ko kasi ang gwapo nya, tapos ang achiever pa nya :)) Boyfriend material na, friend material pa! Diba? Exciting ng characters, para talaga akong nanood ng teen series :D

WRITING STYLE: Still almost as flawless. Magaling pa rin! Katulad ng sa TDG, malalaman mong si ate leng ang nagsulat nito! Galing and more patama lines. Ang galing galing din ng shifting ng POV and then every scene, it can stand alone.

OVERALL: Ang galing ng story na to! Sobrang kakaiba siya sa mga high school-based stories na nabasa ko. Katulad din sa TDG, yung mga scenes dito, hindi lang puro love ang inaatupag ng mga bida. Wala lang, it's typical high school. Ang ganda rin ng mga back stories nito :)

Sorry, walang external link! :)) Sorry kung medyo sabaw itong review :))

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now