~ Paano ako pumipili ng stories na babasahin?

4.3K 17 5
                                    

06.14.13.

~ Paano ako pumipili ng stories na babasahin?

Hello! Medyo mema lang tong post na to. Haha! Wala lang, nung isang araw kasi habang nagmamarathon ako ng mga stories na magandang basahin, naisip ko lang kung paano nga ba ako pumipili ng mga stories na binabasa ko? Syempre, dahil marami na ako nababasa sa Watty, medyo nagiging mapili na ako lately bilang sa alam ko naman kung ano yung gusto ko sa mga stories. Wala lang, gusto ko lang ishare sa inyo kung paano ako pumipili ng mga stories na babasahin. Mema lang talaga to! :))

1. Sources

Ito yung mga ways kung saan ako nakakakuha ng story suggestions. :)) Share ko lang to! :)

Friend's Recommendations - Sa iba't-ibang friends ko ako nagtatanong ng mga stories na magandang basahin. Naks, andaming friends eh no! Hahaha! :)) Meron akong schoolmate na pinagtatanungan ng mga stories na nababasa nya since medyo pareho kami ng taste. Aside from her, may mga naging friends din ako sa FB na pinagtatanungan ko din. Usually, sila yung favorite din yung TDG ni ate leng (yup, yun ang number one favorite ko! haha!). Since pareho kami ng taste, malamang yung mga gusto nilang stories ay magustuhan ko din. Well, tama nga madalas :)

Must-Reads - Yuuuun! Katulad nitong Wattpad Reviews ko (kunwaring reviews lang LOL), naggagala din ako sa Watty at nagbabasa ng mga reviews sa mga stories. Nakakatulong kasi talaga yun. Dun mo malalaman kung naiyak, o natawa o kung ano man yung nafeel ng reader habang binabasa niya yung story. Maraming ganun dito sa Watty! Karamihan nga sa "Others" reading list ko (tingnan niyo nalang sa profile ko HAHAHA), puro ganun. For future reference. :))

All-Time - May mga readers na tumitingin sa What's Hot, pero ako sa All-Time ako tumitingin. Hahaha! Kapag tumitingin kasi ako sa What's Hot, puro ongoing madalas yung nakikita ko. Eh dahil ayaw ko mabitin at maging demanding sa author, finished stories lang lagi ko binabasa :)) At sa All-Time, dun ako nagsscan ng mga pwedeng basahin dahil karamihan din dun ay completed na.

Author's Favorite Stories - Since nakafollow ako sa mga authors dito sa Watty, nakikita ko yung mga stories na kinocommentan nila o kaya nilalagay sa RL. Dahil dun, naccurious ako. Kung gusto ko kasi yung story nila, malamang ay magustuhan ko rin yung binabasa nila. 

Facebook and Twitter - Marami din akong finofollow na Wattpad-related twitter accounts pati nillike na Wattpad-related FB pages. Usually, nagttweet sila ng mga quotes sa mga stories kaya kapag naccurious ako, binabasa ko yung story. Pati yung mga nagpapagames, o kaya yung mga nagffeature ng mga story characters, helpful yun! Kaya sa mga nag-ooperate ng mga accounts na ganun, thank you! :D

Plugs - Hindi lang naman lagi yung bold-letter figures yung binabasa ko. Paminsan kapag may nagpplug sa akin, binabasa ko din naman lalo kung undiscovered gems kung bet ko. Pero sa ngayon ay pass muna ako dahil di na rin masyadong nakakapagbasa at marami pa akong hinihintay na mga updates dun sa mga ongoing :))

2. Number of Reads - Sabi ng ibang rants na nababasa ko, wag daw tayo tingin ng tingin sa number of reads kasi di naman daw yun nagmmeasure ng ganda ng story. Para sa akin siguro, ito yung nagsset ng expectations ko sa story. Kunwari, sobrang daming million reads na yung story tapos di ko masyadong bet sa start, tinutuloy ko pa rin kasi nga di naman yun aabot sa ganung kadaming reads kung di yun maganda. Kumbaga, convincing factor lang din sakin! Haha! :D Pero kung undiscovered gem, basta bet ko (lalo kung best friends story HAHAHA), keber lang kahit ano pang number of reads :)

3. Title - Sa totoo lang, wala naman talaga akong care masyado sa title kasi habang nagbabasa ako ng mga stories, narealize ko lang na yung ganda ng story, minsan wala sa title yun :)) Pero syempre, para sakin, mas maganda kung maappeal at unique yung title!

4. Author - As much as possible, mas gusto ko sana na hindi ako uulit ng mga stories from the same authors. Ay hindi naman sa ayaw ko sa kanila! :))) Kapag iba't-ibang authors kasi, iba't-iba yung points of view at writing styles na maeencounter mo. Mas gusto ko kasi yung ganun. Bilang sa (feeling) writer din ako (hahaha), mas marami kasi ako natututunan pag ganun. Pero may mga authors naman na umulit ako! It's either yun yung time na wala pa talaga akong alam sa Wattpad at wala akong alam na author or sobrang galing ng author na lahat ng stories niya gusto kong basahin :)) Kayo na magjudge! :))

5. Genre - Madalas ay romance at teen fiction ang binabasa ko. Okay rin ang nonteen fiction pati humor na rin. Sorry di kasi ako masyadong fantasy reader. Kahit sa mga published novels na binasa ko, mas gusto ko din yung realistic. No offense ha, as in no offense, pero natapos ko yung Twilight Saga pero di siya umappeal sa akin. I mean, ang gwapo ng character ni Edward dun at nainlove din ako kay Jacob kaso wala lang, mas bet ko lang siguro yung mas realistic. :)) Gusto ko din yung unique na themes!

6. Length - Tinitingnan ko yan lalo kapag may pasok ako! Hahaha! Pumipili muna ako ng di masyadong mahahaba, preferably yung less than 200 Wattpad pages! Kasi kapag magsstart ako, kailangan matapos ko before mag exam week. Haha! Pero kung maganda naman talaga, keri lang kahit anong haba basta maraming time!

7.Summary, Prologue, Chapter 1 - Eto na talagaaaaa! Dito din ako nagdedecide kung itutuloy ko ba yung story o hindi. Kapag nagustuhan ko at naexcite ako, push! Tuloy-tuloy lang! Kapag hindi ko masyado nagustuhan, read later nalang muna. Baka wala lang ako sa mood nung sinimulan ko basahin HAHAHAHA =)))) Wala lang, medyo pinakaimportante din kasi yung start ng story dahil yun yung magaattract sayo na basahin yung story. Kaya ayun, pag nasa read later tapos naalala ko basahin, tinutuloy ko.

8. Chapter 2 - Middle - Minsan, hanggang gitna yung binabasa ko tapos bigla akong mabbore lalo siguro pag mahaba? Ay di naman yun kasalanan agad ng story! :)) Ewan ko, minsan yata, mabilis ako magpalit ng mga hilig sa buhay. Charot! Hahaha! =)) Kaya ayun, may mga times din na tinitigil ko yung pagbabasa ko lalo na pag sobrang haba or sobrang nasstress ako sa mga nangyayari sa story. Ewan ko ba, inaabsorb ko yata lahat ng events! Haha! Tinutuloy ko naman after sometime, minsan umaabot ng 2 months... pero minsan, di ko na rin natutuloy... lalo pag nakakalimutan! :))

9. Epilogue- Pero meron talagang mga stories na dinidiretso ko at di ko mabitawan! At usually, sa ganung paraan ko naffeel kung favorite ko yung isang story o hindi. Kapag naadik ako, yun na. Dun ko rin masasabi na maganda ang story! At para sa akin, accomplishment at fulfillment ang makatapos ng isang story :)

Kaya ayaaaan! Shinare ko lang naman. Ewan ko, habang nagmamarathon kasi ako ng stories nung isang araw, narealize ko lang na minsan, mamili din tayo ng mga stories na babagay sa ating taste. Kaysa ayun, binasa mo yung story na di mo naman gusto, pinilit mo lang yung sarili mo, kaya ang ending di ka masaya as a reader tapos yung iba, nakakapagrant pa. Ay wala naman akong something against dun! Siguro sa akin, mas nalaman ko lang yung taste ko sa mga stories after ng lahat ng nabasa ko kaya pinipili ko na rin yung mga stories na swak sa gusto ko. 

Para sa mga nagsasabing wala na maganda sa Wattpad, oh em!! Andami pang maganda, tingin-tingin lang tayo! :)) Lately lang nga ako nakakadiscover ng mga magagandang stories kaya minsan naiisip ko, sana noon ko pa to nabasa!! Ayun lang. Enjoy lang sa pagbabasa sa Watty! :D

~ bittersweet24

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now