His Bedmate by MissWitty

1.8K 10 7
                                    

His Bedmate by MissWitty

Sa totoo lang, ito yata yung pinakaunang Rated R na nabasa ko dito sa Wattpad. Haha! Nung natuto kasi ako magdownload ng mga compilations dito, download lang ako ng download tapos nakita ko to na maraming reads nacurious din ako. Kaya ito, dito pambata hahaha! 

PLOT: Simula palang, sobrang nacurious din talaga ako. Yung start kasi nito, may line na, "Ang relasyon lang namin ay hanggang PUSON lang. Hindi aabot hanggang PUSO." Dun palang, boom! Parang nakakacurious na. :)) Anyway, isa to sa mga pinakamagagandang plots na naencounter ko ever. For me, habang binabasa ko nga siya, para akong nanonood ng teleserye. Ang ganda kasi ng twists. Nakakabigla din at may mga times na masakit sa puso pero alam mong realistic pa rin. Yung relationship kasi ni Marian at Kurt, for me typical relationship din kasi siya. Si Kurt, gwapo, habulin ng babae, playboy. Si Marian, gustong gusto siya ever since kaya nung gabing yuuun, hindi na rin siya humindi. Gusto ko yung story na to kasi parang ang complicated ng relationship nila at ang daming nangyayari! :)) And for the ending, sobrang worth it :)

CHARACTERS: Katulad nga ng sabi ko, for me, si Marian at Kurt ay nasa isang typical relationship na nagkakaroon din ng maraming problems. May mga times na sweet sila, may mga times na nag-aaway. Tapos hindi rin mawawala kapag nagddoubt sila sa love ng isa't isa, lagi kasi ganun ang nangyayari sa relationships :)) Pero sakin yun ang pinakafavorite na part ko. Kasi nga diba, si Kurt likas na babaero at habulin ng girls... Gusto ko sa story kung paano niya pinatunayan kay Marian kung gaano niya kamahal to. Ang sweet lang kasi eh! :""> Yung hindi sila sumuko pareho sa relationship nila. They worked it out kahit hindi madali ang lahat. Wala lang, so admirable :">

WRITING STYLE: Definitely one of the best writing styles na naenounter ko sa mga Wattpad stories. Nasabi ko nga dati na nakakatuwa lang talaga asi kung gaano kamature yung story, ganun din kamature yung writing style. :) Pag nagsusulat din kasi ng mga mature-themed stories, for me, importante lang din na maayos yung writing style para makwento mo ng mabuti yung storyline. Ang galing, ang fluent ni MissWitty sa tagalog! Sobrang galing lang, tapos nadedescribe pa niya ng mabuti yung emotions. Kaya sakit ng puso ko habang binabasa ko to :)))) Pero ang ganda talaga ng pagkakasulat :)

OVERALL: One of the best nonteen fic na nabasa ko ever! Ang galing, hands down talaga ako. Kasi may kwento talaga siya at ang ganda ng plot and everything. Maffeel mo talaga yung iba't ibang emotions sa story na to. Nagulat nga lang ako nung nawala bigla yung account ni MissWitty noon. Buti naman nabalik na rin yung mga stories :) Ayan, basahin niyo! Nasa external link yung reuploaded na story :)

Wattpad Favorites and ReviewsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum