My Prince by alyloony

3.1K 22 7
                                    

My Prince by alyoony

After ng TNL, matagal din akong hindi nagbasa sa Watty dahil medyo wala din akong time nun. Until habang nag ffacebook ako, may nakita ako sa newsfeed ko na pinopromote yung My Prince. Yung love daw ni Yanna kay Lance, love ni Jiro kay Arcie mga ganun ganun. nacurious naman ako kaya dinownload ko sa app. Kaya eto naaaa!!!

PLOT: Maganda yung plot ng My Prince. Nagsimula kasi yung story kay Arcie na isang commonner na pumasok sa Prince Academy para sa kanyang nagugustuhan na guy. Turns out maraming unexpected na mangyayari sa kanya dun na both masaya at malungkot. Gusto ko din yung fact kung paano na-"weave" ni Ate Aly yung tatlong magkakaibang love stories at may love triangles pa. Ang galing lang kasi paano niya nagawa yun na walang nagiging epal? May mga side stories kasi na maiinis ka lang kasi nasasapawan na yung main story. Hahaha. Pero dito, sobrang mamahalin mo lahat ng love teams! At sobrang gugustuhin mo na lahat sila may happy ending! Iba't iba rin ang types of relationships dito kaya hindi ka mauumay. Marami rin matututunan about relationships at ang masya dun, hindi explicitly stated. Ito din yung isa sa mga kakaunting stories na ayaw kong matapos! Nung grumaduate sila Arcie at nagbigay siya ng message, para akong kasama sa graduation nila at naiiyak! Grabe lang talaga. Ang perfect balance ng story na to :)

CHARACTERS: 

Arcie Morales - Siya ang "The Commonner" sa story na to. Para sa akin, madaling makarelate sa kanya kasi typical na girl siya. Ordinary at hindi gaanong mayaman. Pero natutuwa ako kasi mabait siyang character dito :) Hindi siya maarte o masyadong dinadown yung sarili. Makikita mo rin yung development ng character niya at kung paano nagshift from one love to another ang feelings niya. At ang perfect ng dulong part OMG! Yung nagsorry siya na jinudge niya yung Star Six dati? Ang galing kasi hindi yun nakalimutan.

Jiro Festin - The Ultimate Prince. Isa si Jiro sa mga guy main characters na unique para sa akin. May two sides kasi siya. Kaya nga may alter ego siya diba? Haha. Gusto ko rin yung development ng character niya dito. Pareho kasi sila ni Arcie na nagchange throughout the story. At yung love niya para kay Arcie at yung pagmove on niya galing kay Amber? Ang galing lang kung paano yun pinakita. :)

Ren and Amber - Sila yung part ng love triangle, este, love square pala. Hahaha. Best friend ni Ren si Arcie at siya yung originally na gusto ni girl. Kilig nga din ako sa kanila nung una! Peg ko kasi talaga ang mga best friends story (kita naman sa story ko hahaha). Ang cute din ng friendship nilang dalawa kahit di sila pareho ng status in life. At si Amber! Isa sa mga "kontrabidang" kinainisan ko. Hahaha. May story sila, yung Reaching You!! Kaso di ko pa nababasa dahil di pa ako makaget over sa love triangle. Hahaha. Will read it soon =) Gusto ko yung pagiging love triangle, este square nila dito. Kung paano nila nilet go yung mga mahal nila sa buhay!! Grabe heartbreaking moment talaga!!!!

Yanna and Lance - Pangalawa sa Jiro-Arcie, ito yung sumunod na bet kong love team sa My Prince. Hahahaha kilig kasi <3 Si Yanna na love si Lance kahit na cassanova to. At si Lance na ayaw maassociate si Yanna sa kanya dahil nga Casanova siya. SHEEMSSSSS ang ganda! Kilig na kilig ako sa kanila nun lalo na yung batuhan ng lines! Hahaha! =) Maganda din yung development ng love story nila. Makikita mo kasi na kakaiba din yung love nila sa isa't isa. Surpasses kung sino sila at ano sila. =)

Michelle and Justin - Cute din yung love team nila. Nakarelate ako kay Michelle. Chos! Taguan at habulan ng feelings. Kilig din nung nagkaalaman sila <3 

WRITING STYLE: Isa si ate aly sa mga hinahangaan ko pagdating sa writing style. Walang jeje at shortcuts. Saktong understandable words lang yung ginagamit niya. Madaling maiintindihan yung flow ng story. Almost perfect na nga eh :)

OVERALL: 

Magrreact lang din pala ako. May mga nabasa kasi ako na ayaw daw nila yung ending ng My Prince. Sana si Ren at si Arcie nalang ganun. Pero para sa akin, gustong gusto ko kung paano inend ng author yung story! May reasons kasi siya :D As in, Jiro-Arcie forever since the start ako =) 

Kaya ayun...

Ang sarap sarap basahin ng My Prince. Tulad nga ng sabi ko kanina, isa ito sa mga stories na hihilingin mo na sana hindi na matapos. Feel good lang siya kasi pagkatapos mo basahin, makakahanap ka ng fulfillment. Chos ang lalim! hahaha! Ang ganda din ng balance. Saktong drama, kilig, iyak, tawa yung maffeel mo. So guys alam na ha? Basahin niyo naaaa! :D

EXTERNAL LINK: Link sa My Prince :)

Wattpad Favorites and ReviewsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz