Sadist Lover 1-3 by aril_daine

2.3K 37 14
                                    

Ayan "review" ulit! Pagpasensyahan niyo na tong review kung medyo andaming sinasabi etc, sabaw lang kakatapos lang ng exam eh hahaha! So ito namang Sadist Lover, nirecommend din sakin to nung same intern na nagbigay sa akin ng softcopies ng 548. Ginanahan din akong basahin to dahil sa 3w8L! Diba kasi may scene dun na andun si Miyuki at si Lance? Kaya naman nacurious ako at binasa ko! So here goes :D Andami ko pang kwento eh hahaha! :))

PLOT: Isa ang Sadist Lover sa may plots na interesting at tumatatak sa mga readers. Pero kahit ganun, may isa akong rant na nabasa na bakit daw ang bilis masyado ng pacing ng kwento? Yung parang after ng isang conflict, solve na daw agad? But for me, that's what makes the plot of Sadist Lover unique. :) Maraming twists, laging may nangyayari. Meron kasing ibang mga kwento na andaming filler chapters na walang nangyayari at mabobore ka lang kakabasa. Hahaha. Pero with SL, it's different. :) Ito yung tipo ng kwento na ayaw mong ibaba at gugustuhin mong basahin yung susunod na kasi mabibitin ka! Hahaha! Ito din yung kwento na tututukan mo talaga kasi alam mo na bawat chapter na babasahin mo, may mangyayaring maganda. :)

What I also love about the plot is that unique ang mga twists na naiisip ng author. Meron kasing ibang mga stories na paulit ulit at paikot ikot nalang. Pero dito, laging may bagong nangyayari. Kung paano nainlove si Sharlot at si Lance, kung paano nagkaroon ng SharLan! Kung paano nila hinandle yung relationship nila sa "Complicated Love" na marerealize mo na well, mahirap nga talagang maghandle ng relationship. Laging may bumps, laging may ups and downs. At syempre ang pinakamasakit sa lahat, nung nawala yung little angel nila. I think for me, yun ang pinakaturning point ng story. Pero lahat ng nangyari sa kanila, makikita mong it paid off sa "Definitely a Sadist". And for me, it was beautifully written kasi it justified lahat ng nangyari sa kanila.  Na pagkatapos ng lahat ng pagsubok, happy ending naman ang kinalabasan. And what I love most? Nagconcentrate ito sa love story ng SharLan. :)

CHARACTERS:

Miyuki Sharlot Parco - Si Sharlot ang isa rin sa mga pinakavulnerable na characters na nakilala ko sa Wattpad. Naks, nakilala talaga hahaha! :)) Ang fragile niya kasi kaya lahat ng nangyayari sa kanya mararamdaman mo talaga. Nung nagbreak sila ni Jake, nung pinaghiwalay sila ni Lance, nung iniwan siya ni Lance, ramdam na randam mo yung sakit kapag binabasa mo yung POV niya. And I think she represents most of us girls na kapag nagmamahal tayo, puso ang pinapairal. Kaya kaunting masaktan, iiyak na. Hahahaha nakarelate daw ako?! =))))

Nathan Lance Mariano - Si Lance ang isa sa mga main reasons talaga kung bakit ko binasa ang SL! Nababasa ko kasi na ang dream guy daw ng mga readers eh si Lance kaya nacurious talaga ako! Hahaha! And I would say, oo nga, agree ako. :)) Sa totoo lang, si Lance na yata ang pinakaunique na guy main character na naencounter ko. Mahilig magbasa. Mahilig sa football (o soccer ba yun? hahaha!). At syempre, a man of few words. At yang last, gusto yan ng maraming babae, yung tahimik lang at pamysterious effect at di masyadong madaldal! Hahahaha! Hands down din ako sa pagkakagawa ng author kay Lance kasi sobrang consistent niya. Kung seryoso siya sa una, seryoso pa rin siya hanggang dulo. Ang galing lang, kasi makikita mong defined at alam ng author kung ano yung gusto niyang mangyari kay Lance. :) At syempre? Wagas siya magmahal eh. Lahat gagawin niya para kay Sharlot. Pengeng ganyan? HAHAHAHA

WRITING STYLE: For me, sakto lang yung writing style ng SL :) Sa lahat ng nabasa ko, ito yung pinaka feel good! Well oo, sa unang part, meron din imperfections pero makikita naman natin na nag improve yung writing style as you go on :)) Pero nevertheless, gusto ko yung pagkakasulat kasi ang light niya eh. Yung tipong hindi ka mannosebleed kasi puro malalim yung words. You will just wear a smile on your face habang binabasa mo to at mageenjoy ka talaga. Minsan mahirap din naman kasi kung masyado na ngang madrama yung plot tapos ang lalim pa ng words, eh di lalong ang sakit sa puso! :))))

OVERALL: Maganda talaga siya at hindi na ako magtataka kung bakit ang taas ng following nito at nakakahook talaga siya :) If there's something I really loved about this, ito yung naffeel ko yung passion ng author sa kagustuhan niyang ikwento satin yung love story ni Sharlot at Lance. Dahil kita naman yun sa story, at sobrang minahal ko talaga yung love story nila kasi it's unique at mamamangha ka nalang, how two people can love each other that much. ;)

Ang drama ko sorry! HAHAHA! =))

EXTERNAL LINK: Sadist Lover by aril_daine

Wattpad Favorites and ReviewsWhere stories live. Discover now