Chapter 3

10 0 0
                                    

CHAPTER 3

"Why the hell are they staring?!" Inis na bulong ko kay Lia. Ngayon na ang first class ko at kasalukuyang nasa classroom na kami ni Lia. Naka-upo ako sa katabing upuan ni Lia.

"Chill ka lang, Ereese. Ganyan talaga 'pag maganda, pinagmamasdan." Ani nito.

"What?!"

Tumawa ito. "Wala. Wala. Highblood ka naman."

Inilagay ko ang mga braso sa mesa at ipinatong doon ang ulo ko. Baka kapag hindi ko napigilan ang sarili ko, panain ko ang mga mata nila.

Dinig na dinig ko ang mga bulungan nila at pag-uusap. Matulog na lang kaya ako? Wala ako sa mood mag-aral. Though, nakapag-aral naman ako sa mortal realm. Pero wala akong alam sa mundong kinalulugaran ko ngayon. Wala akong kaalam-alam sa mundong ito. Lumaki ako sa mortal realm. Pero madali lang naman akong maka-adapt sa isang realm na pinupuntahan ko.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang nawala ang ingay sa paligid. Bigla na lang tumahimik. Ramdam ko pa din ang presensya ng mga kaklase ko at ni Lia pero may limang presensya akong naramdaman. I can feel their presence. They have a strong presence. Stronger than my classmates.

Nagtaka ako kung bakit tumahimik pero hindi ko na lang ito binigyan ng pansin.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagtulog ng niyugyog ako sa balikat ni Lia.

"Ereese! Gising nandyan na si Prof!"

Lukot ang mukha kong umayos ng upo at tumingin sa harap. There were a teacher there, scanning a paper.

Pagkatapos nitong tumingin sa papel ay tumingin ito saamin. "Ms. Clarkson?"

Kumunot noo ako pero nagtaas ako ng kamay. "Sir?"

Tinitigan muna ako ni sir bago ngumiti. "Welcome to Superior Class, Ms. Clarkson."

Tumango lang ako bilang sagot.

Prof. Harris class is about basic abilities.

Maayos naman itong magturo. Pero lahat ng mga itinuturo nito ay alam ko na. I already trained myself since I was young.

•••

Time fly so fast. Tapos na ang morning class namin. Basic Abilities, History and Enhanced Powers. Iyang ang mga subjects namin kanina sa morning.

Nandito ako ngayon sa cafeteria. Hinihintay si Lia dahil ito ang nag-order ng kakainin namin.

Malapit ang mesa namin sa mesa ng Royalties. Iyon ang tawag ni Lia sa limang tao na may malalakas na presensya.

I can feel stares but I ignored them.

Dumating si Lia at ang order namin. Pero nagulat ako ng sobrang dami ng order nito.

"Why so many?" Tanong ko.

Umupo ito kaharap ko. "Physical Combat ang afternoon class natin. Buong afternoon 'yon. Kailangan natin ng energy mamaya."

Napatango na lang ako.

Sinimulan na naming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin ng may isang babae ang pumunta sa table namin.

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now