Chapter 4

10 0 0
                                    

CHAPTER 4

"Pumayag ka sa duel niyo, pero di ka nagpapraktis! Di basta basta kalaban mo kahit pa senior lang 'yon!" Kanina pa ako pinagsasabihan ni Lia na magpraktis.

Wala kaming pasok mamayang hapon. And it's already Friday. Last subject na namin pero wala pa 'yong teacher kaya heto si Lia at pinagsasabihan ako.

"I'd rather sleep Lia." Bagot na saad ko.

Hindi lingid sa kaalaman ko na kanina pa nakikinig ang Royalties sa likuran. Naka-upo kasi ang mga ito sa likuran ng kinauupuan lang namin ni Lia.

"Pa'no kung matalo ka?" Talak na naman nito.

I just shrugged.

"Bat ba ayaw mong magpraktis? Ayaw mo din sabihin saakin 'yung kakayahan mo." Napa-iling ito. "Naku naku! Kapag ikaw! Natalo! Who you ka sakin!" Hinampas pa ako nito sa balikat.

Huminga ako ng malalim. Patience. Patience. Patience, please be with me.

"Matutulog ako mamaya." Tsk! I need to loose my accent.

Napatitig saakin si Lia. Pagkatapos tumitig ay humagalpak ito ng tawa. Iyong klase ng tawa na may pahampas hampas pa sa desk nito. Iyong ibang kaklase namin ay napatingin sa na kanya. Iyong ibang kaklase naman namin ay nagtatanong na tumingin saakin.

Kumibit-balikat ako. "I don't know her." Sagot ko sabay turo pa kay Lia.

Napatigil ito sa pagtawa at tumingin saakin ng masama saakin. "Anong di mo'ko kilala ha?!"

I frowned. "Who are you?"

Dahil sa tanong ko ay pinaghahampas ako nito sa braso. "Anong who are you ka d'yan?!"

"Your fault. You suddenly laugh out loud there."

"Eh pano kase ikaw. Ang angas na ng dating mo eh, kaso sinira ng accent mo sa pagtatagalog." Tumawa ulit ito.

Sinimangutan ko ito at hindi na ito pinansin.

I admit it. I have the accent when speaking Tagalog. I don't know why.

•••

It's Saturday.

Papunta na kami ni Lia ngayon sa Arena kung saan gaganapin ang duel namin ni Beatrix.

Naging kalat sa buong school ang magiging duel namin. Even the professor heard about it. At wala man lang ginawa para pigilan ito. Napag-alaman ko din na pwede pa lang manghamon ng duel sa iba. Pero once a year lang ito nagaganap.

Pumasok na kami sa loob ng arena. And to my surprise, ang daming tao! Puno ang buong arena. Even the Headmaster and the professors are here.

Nakita ko sa kabilang dako ng arena ay nandoon si Beatrix na mukhang handang handa. Mukha itong gladiator sa suot nito. Seriously?!

Nahiya ang suot kong tattered jeans, sneakers at black long sleeves.

Natahimik ang lahat ng tuluyan na akong pumasok sa gitna ng arena na kung saan ay nandon din si Beatrix na nakangising naghihintay. May hawak ito espada.

Mukha talaga s'yang gladiator. Iyong mandirigma ganon? 'Yung sa 300 na movie.

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now