Chapter 12

10 0 0
                                    

CHAPTER 12

Bagot na bagot akong nakatingin sa mga kasama ko ngayon na nagte-train. They already started training.

Samantalang ako? Heto, pinapaunod lang sila. Sapilitan nga lang ang pagsama ko sa kanila dito sa training room. Talagang kinaladkad pa ako nina Ash at Lia papunta dito. Pinilit din nila akong magtrain pero ayaw ko. Hanggang sa sumuko na lang si Kyler at sinabing hayaan na lang daw ako pero hindi ako aalis at mananatili sa loob ng training room. Aalis lang ako kapag tapos na silang magtrain. And Kyler as the Leader, sinunod ko ang sinabi nito.

Pinanuod ko ang pagtetraining ng tatlong babae. Masasabi ko na magaling sila in terms of hand to hand combat. Hindi ko na pinagkaabalahan pang tingnan ang mga lalaki dahil alam kong kaya na nila ang sarili nila.

Base sa mga galawan ng tatlo, may lakas at pwersa ang bawat suntok at sipang binibigay nila. And for their speed, hindi ganon kabilis ang mga galaw nila.

Napapailing na tumayo ako at nilapitan sila.

Natigil ang mga ito sa pagsasanay at tumingin saakin.

"Ereese? Do you need anything?" Serene asked.

Umiling ako. "Physical Combat includes Speed and Strength. Not only the strength itself and not only the speed itself. You must need to combine those two."

Nagtatakang nakatingin saakin ang mga ito.

I've made my mind. I'll help them in their training.

"Vampires are known for their speed and strength ability. Viking are known for their aggressive strength ability. Sa limang makakalaban natin sa contest, sila ang pang malakasan sa hand to hand combat." Dagdag ko.

Realization was visible in Serene's face. "Is that the reason why you asked about our opponents?"

Tumango ako. "Yes. Kanina ko pa kayo pinapanuod. When you increased your movement speed, your strength will decreased. And when you increased your strength, your movement speed is still the same. That's what I have observed."

"Woah.." Tumitig saakin si Lia. "Akala ko talaga naka-upo ka lang doon at walang pake sa paligid mo. You've been observing us?"

Tumango ako. Sinenyasan ko si Lia na lumapit na agad namang sinunod.

"Let's spar. Cope up with my strength and speed. Okay?" Tanong ko.

Tumango ito saka ngumiti. "Okay!"

Mukhang excited ito. Kaya wala na akong sinayang na oras at sumugod sa kanya. Pinaulanan ko ito ng suntok.

"O-oy!" Lumayo ito saakin. "Ang bilis naman ng mga suntok mo. Bigla bigla ka na lang din sumusugod!" Reklamo nito.

"Remember this, your opponent will not tell you if he or she will going to attack. Stay focus and alert."

Sinugod ko ulit ito at pinaulanan ng suntok at sipa. Nahihirapan ito sa bilis ng galaw ko.

"Increase your movement speed."

Sinunod nito ang sinabi ko, pero kagaya ng una ay humina naman ang mga atake nito.

"Still weak. Give more strength on your attacks." Ani ko pero ganoon pa din. "Don't just focus on your speed, Lia. Focus on both. Try to look for an opening and do a counter attack."

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now