Chapter 28

10 1 1
                                    

CHAPTER 28

Ashley's P.O.V.

"For this day, we only have one tournament to held but will be done two times. I know you don't understand, this first tournament is what they called The last stand. Bubunot ako ng isang pangalan para lumaban, meaning only one representative of each group will compete. Let's start, bubunot na ako." Sa tabi ng emcee ay may anim na bowl doon sa gilid niya na naglalaman ng mga tinuping papel na hula ko ay mga pangalan namin ang nakalagay doon.

Bumunot na ito sa isang bowl. "From the Glaciers, Jack!"

Tumayo at pumunta sa stage ang nag-iisang lalaki sa grupo ng Glaciers.

Jack? Jack Frost?! Kulay silver white pa man din ang buhok niya. Literal na Jack Frost ang datingan!!

Nagkatinginan kami ni Lia saka sabay na mahinang tumili.

"Ang gwapo!!" Magkasabayang sambit din namin.

Natawa ako dahil nagkakasundo kami ni Lia sa mga ganitong bagay.

"From the Vikings, Josiah!"

Woah! Isa ring gwapong nilalang. He looks like Alucard of mobile legends. Hindi siya mukhang vikings dahil medyo mas maliit ang pangangatawan nito kaysa sa mga kasama niyang mukhang bouncer sa isang club.. hehe.. papasa siyang model ng isang kilalang brand!

"Drake of the Sorcerers!"

Uy! Si Harry Potter! Charot! Kamukha lang ng suot niya.

"Lucas of the Vampires!"

Woah. Ang tangkad na lalaki. Kaso mukhang binabad ng isang linggo sa suka dahil sa putla ng balat pero nakakaakit ang mga labi nito na sobrang pula.

"Elijah from the Elves!"

Napatingin ako kay Ereese ng tawagin iyong lalaking kamukha ni Legolas. Krass kasi non si Legolas. At mukhang itong Elijah ang leader ng Elves.

Nakita kong titig na titig si Ereese don kay Elijah. Eeehh!! Dalaga na si Ereese! May krass na! But I can't blame her, gwapo naman iyong Elijah, pati pangalan gwapo! Tiyak na kapag nalaman ito ni Trevor, magwawala yon! Isipin mo na lang na iyong iniirog mo ay may gusto sa isang gwapong elves!

"Avery Ereese of the Elites!"

I gasped. Si Ereese ang lalaban?

Napatingin ako sa mga kalaban niya, mga lalaki lahat! Well, she's pretty much stronger than a man. She can do it.

"Go Ereese!" Magkasabayang bigkas namin ni Lia ng pumunta si Ereese sa harap at humanay sa mga nabunot.

"Let me explain about this first battle. You will all be put inside a trance to battle against each other. It's okay to kill because the trance that you'll be going to is special, like illusion. Makakaramdam kayo ng sakit at mamatay kayo sa loob ng trance pero pagkamatay niyo sa loob non ay mate-teleport back kayo dito sa arena. Meaning, it's okay to kill, but if it's you're inside the trance. The last man who'll stand alive will be the winner and your group will gain a points! 10 point for the winner, 7 points for the second placer and 5 points for the third placer."

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now