Chapter 14

9 1 0
                                    

CHAPTER 14

"Sa pagkakaalam ko ay three days ang aabutin natin bago makarating sa Dragon's Lair. Three days if we're taking route on land, but if we're taking the route on air, it will only take two days." Kyler said.

"So? Anong gagawin natin?" Tanong ni Jace na inaayos ang pagkakasukbit ng bag nito sa balikat.

"We have no choice but to take the land. We'll ride horses." Sagot ni Kyler.

Nasa entrance kami ng school. Kinuha na ng mga boys ang mga kabayong gagamitin namin.

Lumapit saakin si Ashley at bahagya akong hinila palayo sa dalawa.

"Hey," mahinang sabi nito. "When will you going to fulfill your duty?"

"I've already visited two continents. Five more continents." Sagot ko.

Nasabi ko kasi sa kanya ang fulfillment of duty ko para maging ganap na Guardian ng Netherworld.

"Hey? I wanna know if there were, I mean, does Netherworld faced a big crisis about demons?" Tanong ko habang pabalik sa mga kasama namin.

"Yes." Simpleng sagot ni Ashley at lumapit sa isang kabayo.

Great. Di nga pala ako marunong mangabayo.

Sana kung may kotse dito, edi mas maganda. Mas mapapabilis pa siguro ang paglalakbay namin papuntang Dragon's Lair.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako.

"Hey!" Sita ko dito habang hila-hila ako papuntang kabayo niya.

"You'll ride with me." Ani nito saka kinuha ang bag sa likuran ko at inayos yon sa likuran ng kabayo.

Pagkatapos ayusin ay humarap ito saakin at basta na lang ako binuhat at isinakay sa kabayo. Umayos ako ng upo saka sinamaan ito ng tingin. Nginisihan lang ako nito bilang sagot.

Sumakay ito na din ito sa likuran ko.

"Let's go." Ani ni Kyler saka pinatakbo ang kanyang kabayo kaya sumunod na din kami.

"Dadaan tayo sa kagubatan ng Middle sa Nirvana. Dadaanan natin ang pinakamalapit na ruta papuntang Dragon's Lair. Matatagpuan ang Dragon's Lair sa pinakadulo ng Netherworld. Much more far in the continent of Arctica and Avalone."

Sa pagkakaalam ko ay nasa pinaka dulo ng Netherworld ang Dragon's Lair. Isa itong isla. Isang lawa ang naghihiwalay dito at sa lupain ng Netherworld. Pero parte pa rin ito ng Netherworld.

I saw Ashley moved her horse beside our horse. Hindi ganon kabilis ang pagpapatakbo namin. Sakto lang.

"Anong kontinente pa?" Tanong nito ng makalapit. Alam ko ang tinutukoy nito. Ang mga kontinenteng hindi ko pa nabibisita.

"Nirvana, Santori, Arctica, Atlantica and Fiore." Sagot ko. Pero hindi ko na kailangang pang puntahan ang kontinente ng Arctica. Pamilyar na ako sa lugar na 'yon kaya hindi kailangan.

"I see. How about my continent?" Tanong nito. Alam kong hindi maintindihan ng mga kasama namin ang pinag-uusapan namin ni Ashley pero alam ko ding nakikinig ang mga ito.

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now