Di naman sa tamad,
di naman sa lahat,
meron lang talagang subject
na di ko magets.
Nasa-sad nga ako minsan.
Merong subject na ang sarap tulugan,
yung parang na-overdose ka
sa sleeping pills.
Na kahit lagyan mo pa ng stick
ng walis ting-ting ang mata mo,
ayaw pa ring mabuka,
kaya pag nasigawan ka ng prof mo:
"Mr. Boss Kenshin Dimagibagiba,
tulog ka na naman ba?"
Punasan mo lang ang laway,
tapos sabihin mo:
"Di po Maam Sexyganda!
Nagpe-pray lang po ako
na sana maintindihan ko na
leksyon niyo today."
Meron ding subject na kung iisipin,
di naman magagamit
sa tunay na buhay.
Pwera na lang sa
"Can you replace my X
without asking Y?"
Merong din yung subject
na super duper ultra mega terror prof,
na kapag naleleksyon,
balde-balde ang pawis mo
dahil baka ikaw ang mapagtripan niya,
tapos wala kang maisagot.
Mapapahiya ka pa sa crush mo,
sabihan ka pa ng:
"Bobo amp!"
Merong din subject na madali lang,
yung akala mo pasado ka na,
pero mali ka diyan kapatid!
Dahil pagdating sa exams,
ang hirap ng mga tanong.
Yung feeling mo,
di naman naituro sa klase,
kaya ayon! Gg it hurts!
Pero kahit ano pang reklamo natin,
wala tayong magagawa.
Dapat pag-aralan
para di magkaalanganin
sa katapusan sem.
Dahil kung di bagsak ang grade mo,
baka DRP o INC naman.
Di naman siguro ako tamad,
masipag lang talaga akong magpahinga!

YOU ARE READING
Tuldukuwit
PoetryKoleksyon ng mga tulang nalikha ng tinta ng utak at puso. Para sa mga taong kahit ilang beses mga nadapa, pinili pa ring lumaban at tumingala. All Rights Reserved © 2021