Mahal ko ang aking tula,
na isang bagong umaga
sa gabing nalunod
sa dalamhati't pag-iyak.
Ilog na ang agos
ay himig ng kanta
na aking dinidimdim
sa t'wing nag-iisa.
Ibong nasa alapaap;
malaya't mataas ang lipad,
sumasayaw ang mga pakpak
sa ihip ng hangin.
Isang bulaklak
na kaybangong samyuhin,
nagbibigay kulay
sa aking mundong lihim,
na hindi ko hahayaan
landas nami'y magkalayo.
Mahal ko ang aking tula,
ang aking inpirasyon,
bahagi ng aking buhay,
walang kapalit
sa aking puso.
Mahal ko ang aking tula,
ikaw ang aking tula.

YOU ARE READING
Tuldukuwit
PoetryKoleksyon ng mga tulang nalikha ng tinta ng utak at puso. Para sa mga taong kahit ilang beses mga nadapa, pinili pa ring lumaban at tumingala. All Rights Reserved © 2021