[Torpe vs. Fckboy. POV ni Torpe. Nalasing kaya ang lalim ng hugot.]
Tol,
hindi ko kayang
makipagkompetensya,
sa kung ano mang depinisyon
ng pag-ibig na nais
niya mahanap.
O kahit pilit itugma
ang pangalan ko,
sa kung sino man
ang ititibok
ng kanyang puso.
Simple lang kasi akong tao.
Walang braces,
na kumikinang kapag ngingiti
at masasabi niyang
"Knight in shining armor".
Walang eyeglasses,
kasi klarong-klaro ko,
kabisado ko na
ang bawat anggulo
ng kanyang mukha,
ang tamis ng kanyang mga tawa
habang magkausap kayong dalawa.
Simple lang kasi ako.
Simple lang ako
pero hindi gagawa ng gago.
Ang alam ko lang,
para akong nakaubos
ng tatlong Kopiko 78o
sa lakas ng kabog ng dibdib
sa tuwing napapadaan siya,
hindi nga ako makalapit,
laging dinadaga.
Kasi itong espayong
aming ginagalawan
ay sobrang lawak,
na kahit man lang mahawakan
ang kanyang kamay
ay imposible.
Tanggap ko.
Pero tol,
hindi sapat na dahilan
ang "Maganda kasi siya,
tapos ganda pa ng katawan."
para sabihin mong
in-love ka na,
kasi hindi tumitibok ang mata.
Kasi tol,
kung gusto mo
lang pala siyang makama,
ako tol,
gusto ko kasi siyang
ma-ka-sa-ma.
Kaso, nauna ka na!
Ang galing mo kasing dumiskarte,
habang ako,
nakaw-tingin lang sa malayo,
natotorpe,
natatakot ma-"wrong move".
Pero kahit sabihin pa nilang
"Hanap ka na lang ng iba,
marami namang isda sa dagat."
Oo.
Alam ko.
Alam kong marami pa,
pero siya,
siya kasi nag-iisa lang.
Siya yung isda
na hindi ko gustong makuha
dahil nabingwit ko lang,
yung kumbaga,
naligaw lang sa pain.
Huhulihin ko siya,
lalanguyin,
hanggang umabot
sa hindi ko na maarok
na parte ng kanyang mundo,
mahuli ko lang.
Dahil nag-iisa lang siya.
Nag-iisa lang.
Huwag mong saktan.
Hindi naman sa sinasabi ko
na hindi mo
talaga siya binibigyan ng halaga,
ang sa akin lang naman,
kapag dumating ang panahon
na paiiyakin mo siya,
sisiguraduhin ko
ako ang unang lalaking
mabibigay ng panyo
sa kanya.

YOU ARE READING
Tuldukuwit
PoetryKoleksyon ng mga tulang nalikha ng tinta ng utak at puso. Para sa mga taong kahit ilang beses mga nadapa, pinili pa ring lumaban at tumingala. All Rights Reserved © 2021