Kumbaga sa tricycle
o pedicab,
ako yung gulong
na walang kaparis.
Walang love life,
bespren ko kasi
lagi akong sinasama
sa date nila.
Taga-picture
habang nakikitang
magkayakap ang dalawa.
Taga-bili ng ticket
pag nasa sa sinehan,
popcorn lang
ang aking ka-holding hands.
Taga-pahid ng kanyang
mga luha,
kung may away sila.
Sandalan,
aking pansamantalang
kaligayan
na kahit saglit man lang
makapiling siya.
Tulay,
upang muling
magkabati sila,
ako naman itong si tanga,
nagmamahal pa rin
kahit nasasaktan na.

YOU ARE READING
Tuldukuwit
PoetryKoleksyon ng mga tulang nalikha ng tinta ng utak at puso. Para sa mga taong kahit ilang beses mga nadapa, pinili pa ring lumaban at tumingala. All Rights Reserved © 2021