Matagal-tagal na rin
simula nang
magkasama tayo
sa upuang ito,
nagkukwentuhan
sa mga bagay-bagay
na mas lalong nagpalapit
sa'yo sa aking puso.
Mas nakilala natin
ang bawat isa
at mas lumobo
ang ating pagkakaibigan,
at dahil sa mga pagsubok
ay mas lalo pang tumibay
ang ating samahan.
Minsan ma'y di ako kumikibo
at kung minsan ma'y
di ako nagsasalita,
pero di mo lang alam
na sa dako
nitong pagkukubli
ay minamahal na kita.
Madalas man ako'y
dumidistansya
at kung minsan
nakaupo na nga ako
sa dulo,
iniwasan ko lang
na baka mas lalo akong
umasang mahal
mo rin ako,
iniiwasan ko lang
masaktan.
Ngunit sana'y mapatawad,
ganito talaga ako,
natotorpe,
nahihiya,
sa tuwing
ika'y kasama,
subalit nandito lang
naman ako
palagi sa tabi mo,
na hinding-hindi kita
iiwanan
hanggang
sa walang hanggan.
Matagal-tagal na rin
simula nang
nakasama kita
sa upuang ito,
naghihintay
sa pagkakataong
ako naman
ang maging dahilan
ng matatamis
mong mga ngiti.

YOU ARE READING
Tuldukuwit
PoetryKoleksyon ng mga tulang nalikha ng tinta ng utak at puso. Para sa mga taong kahit ilang beses mga nadapa, pinili pa ring lumaban at tumingala. All Rights Reserved © 2021