Sa salitang "Kaibigan"
May isa na nasasaktan;
Pag-ibig na nababalewala,
Kailan kaya makakawala?
Pusong laging dinadaga,
Naunahan na ng iba;
Ikaw na nagpapakatanga,
Kailan mapapagod umasa?
Hanggang kaibigan lang,
Kalaunan ay makakalimutan;
Pusong unti-unting pinapatay,
Kailan bamaghihintay?

YOU ARE READING
Tuldukuwit
PoetryKoleksyon ng mga tulang nalikha ng tinta ng utak at puso. Para sa mga taong kahit ilang beses mga nadapa, pinili pa ring lumaban at tumingala. All Rights Reserved © 2021