✎ Identity: Babae

13 1 0
                                        

Lahat naman may weakness o yung something na nagpapafeel sa atin na imperfect tayo, at kailangan nating magbago for some reasons. At isa sa mga pakiramdam na yan ay dahilan ng insecurity. Oo, insecurity. Yung feeling mo hindi ka confident sa sarili mong makasalamuha ang ibang nilalang sa mundo. Yung feeling na natatakot ka na baka hindi ka nila gusto, na binabackstab ka nila. Yung nag-ooverthink ka sa mga bagay-bagay na hindi naman kailangan.

Kung sa aming mga lalaki, hindi naman yan huge problem. Kadalasan kasi nakikita ko ito sa mga babae. Hindi ko naman masisisi kasi babae nga, ang hirap intindihin. Mabuti pa nga ang Math, pag-aaralan mo lang, may maiintidihan ka pa. Siguro nga nature na sa kanila ang mainsecure. Na medyo nakakasura rin minsan. Na wala namang dahilan para ihambing ang sarili nila sa iba. Subalit kailangang tanggapin para iwas gulo.

Ganito kasi yun. Sa lalaki, kung may makikitang kaparehas ng suot na damit, ayos lang. Nagiging friends pa nga namin. E sa babae, naku! Talo pa ang nasunugan sa pagpapanic. Sabay ginugulo ang buhok habang nagtatalon at hinahampas yung balikat ng kanyang kasama. Okay lang naman yan e, alangan naman ipapahubad mo sa kapareho mo dahil ikaw ang nauna.

Kung nakasalubong ng babae yung ex ng kanyang kasintahan. Tumatahimik na lang bigla. Yun pala, overthinking again ang drama, nag-iisip na baka may gusto pa yung ex sa bf niya. Mapapansin mo naman yan e. Kung may trust ka sa kasintahan mo, hindi mo naman yan iisipin pa. Kung ginagawa naman niya ang lahat upang ipakita sa'yo na mahal na mahal ka niya at loyal siya. Na para lang masabi mo na 'mas' ka sa ex niya. Ex na nga kasi. Ex, ekis, kamalian. Kaya nga tinutuwid niya ang sarili niya, ang puso niya at ang buhay niya na ikaw ang kasama.

Yung ayaw magpost ng picture kasama ang bf niya. Kasi baka sabihin ng iba, "Mas maganda pa naman ako diyan at mas sexy pero bakit siya ang pinili niya", "Hindi naman sila bagay", "Sayang! Ba't sila pa ang nagkatuluyan?", etc. E yun na nga ang problema. Bakit ka ba nahihiya? Gusto lang naman kasi naming mga lalaki na maging proud sa amin yung mahal namin. Na kahit sa simpleng paraan lang, maiparamdam din sa amin yung pag-aasam na makasama kami at maipakita sa iba na mahal natin ang isa't isa.

Insecurities nga naman. Kailangan lang siguro na baguhin ang pananaw sa sarili, ngunit mahirap naman gawin. We are all flawed. We have all made mistakes. But we are also beautifully and wonderfully made. Kahit pa nga sabihin natin yan, mahirap talagang ibaon ang insecurities. Pero huwag mag-alala ano pa ang silbi naming mga lalaki kung hindi namin kayo tutulungan. Upang gumaan ang pakiramdam niyo. Upang kahit man sa simpleng paraan madadagdagan yung self-confidence niyo. Hindi man kayo perfect, ganun din naman kami e.

TuldukuwitWhere stories live. Discover now