Chapter Two

1K 42 9
                                    

Maurice

Alas sinko ng hapon na ako nakauwi sa bahay. I don't usually linger at school after class, pero kailangan ko asikasuhin ang aking mga dapat gawin sa upcoming contest. Kahit kakasimula pa lang ng school year namin, inatasan na kaagad akong mag-aral para sa contest next month. Para sa iba ay nakakastress ito, pero I find it thrilling. Kung may ayaw man ako, ito ay ang hindi mag-aral. I love learning.

Nagpasalamat ako sa kay Kuya Paul, ang driver na naghahatid at sundo sa amin ni Mati, bago lumabas sa sasakyan. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ko nakasama ngayon pauwi ang kambal ko. He usually goes home late than me dahil sa barkada niya.

I entered our front door and was greeted with the scent of food coming from the kitchen. Alam kong ganitong oras ay nakahanda na sila manang sa pagkain para dinner. Dumeretso na ako sa taas para magbihis at ihanda ang mga dapat kong gawin mamayang gabi.

Magkatabi ang kwarto namin ni Mati at palagi rin itong bukas. Sinilip ko muna ito bago ako dumeretso sa kwarto ko. As usual, walang tao at parang hindi pa naman nagagalaw ang kanyang mga gamit kaya I'm sure wala pa ito.

Mabilis akong nagbihis at lumabas sa kwarto. Nang nasa gilid na ako ng pinto ng game room, bigla itong bumukas at muntik na akong masubsob sa pamilyar na babae.

Nabigla ito sa pagkakita sa akin kaya agad itong umatras. "Sorry!"

Mabilis na nagtaas baba ang mata ko para tignan siya. Ang baduy talaga kahit kailan. Nakasuot ito ng blouse namin sa school at jersey short naman sa ilalim. To add to the horrifying outfit, naka black shoes pa ito at magulo ang buhok na parang kakagising lang. Madalas ko itong nakikita sa bahay pero hindi ko pa ito nakakausap na tumatagal sa limang minuto. Totoong may problema ako sa kanya, palagi talaga akong naiinis kapag nagbukas at sara na ang bibig niya.

Umubo ito ng mahina kaya agad kong itinaas ang tingin ko para magkasalubong ang mata namin. "What are you doing?" tanong ko.

"Nakatayo?"

I mock a laugh. "Ha ha. Ang funny mo naman Fausteo."

Ngumisi ito sa akin. "Matagal na, Maurice. Hindi mo lang talaga pinapansin." Kumindat ito bago umatras at lumakad pabalik sa game room.

Napataas ang kilay ko sa inakto ni Sarina. Kaya hindi kami nagkakasundo eh, palagi kasing hangin ang laman ng utak. Umiling ako at lumakad na pababa para samahan sila manang sa kanilang paghahanda. Napangiti ito sa akin nang makita akong papalapit.

"Mau! Maupo ka na, anak."

Dumungaw ako sa kanyang hinahanda. "Ang sarap naman niyan, manang. May maitutulong po ba ako?"

Umiling ito. "Ililipat ko lang ito sa lalagyan at pwede na kayong maghapunan. Kung gusto mo, ikaw nalang tumawag sa kapatid mo at kay Sari. Mukhang nakatulog ang dalawa."

"Ohh. Okay po." Umatras ako at naglakad pabalik sa taas. Mabilis kong narating ang game room kaya agad ko itong binuksan ng hindi kumakatok. Naabutan ko silang dalawa na nakaluhod sa harap ng isang kandila na sinindihan habang nakayuko. Napataas ang kilay ko. Hindi ako sanay na nakikitang ganito ang dalawang-former tatlo, na nagdadasal o nag oorasyon. Kung bakit nila ginagawa ito, wala akong kamalay-kamalay.

"Hey, kakain na raw."

Mabilis na napamulat ang dalawa at sinamaan ako ng tingin. Before my brother can say anything, his friend beat him to it. "Nagdadasal pa kami, excuse us."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon