Chapter Eighteen

446 37 10
                                    

Maurice

Our outing was fun. Sa sobrang tagal namin nagbabad ay nagka sunburn pa ako. I'm also glad na magkaayos na kami ni Sarina. I still feel guilty sa pag-stood up ko sa kanya kaya ngayon ay maaga na akong nagpunta sa library for our study meet. Nakiusap pa ako sa librarian kung pwede namin gamitin ang isang unused room para doon nalang kami tumambay just to make sure na she's comfortable while we review.

Habang wala pa si Sarina ay inayos ko muna ang mga gamit kong dala. I lay the books, pens, and paper. Kahit maayos na ito, inayos ko pa ulit ito. I'm freaking out kasi the last time na magkasama kaming dalawa sa iisang kwarto, may narealize ako— my feelings are starting to come back, and it's scaring me kasi mas naging seryoso na ito kaysa sa dati. It's really impossible not to fall for that girl. Kahit palagi kaming nagbabangayan, nahulog pa rin ako. Also, she's getting prettier day by day, which adds to my stress kasi nagiging flustered ako kapag lumalapit ito. Minsan nga pinipilit ko nalang magsuplada para lang hindi niya ako mahalata.

After minutes of waiting, dumating na ang babaeng laman ng isip ko at nakangiti itong naglatag ng bag niya sa harap. Nakabihis na ito from our uniform. Her outfit consist her jersey shorts, long shirt, at flip-flops. Baduy nga, pero ang cute rin niya at the same time. Napansin ata nito ang pagtingin ko dahil tinaasan niya ako ng kilay. Nakaramdam kaagad ako ng hiya kaya umiling ako at ibinaba ang tingin sa dala-dala kong gamit.

"Naks! Ang aga na natin ah," komento niya sabay hila sa upuan para pumwesto.

Sinunod ko ito at naupo ng medyo may kalayuan sa kanya. "Yeah. Baka kasi bigla ka na naman mag attitude sa akin," pabiro kong sagot. Deep inside, I'm still nervous as heck.

Umiling lang ito. "Anyway, ano ba ang ituturo mo sa akin ngayon?" tanong niya.

Ibinuklat ko ang libro sa harap at inilapit ito sa kanya. "Welcome sa long division and dividing polynomials!" masigla kong sabi.

Sa narinig ay biglang umasim ang mukha niya. "Sa long pa lang na word, mukhang kailangan ko na pahabain pati ang pasensya ko."

"Don't be intimidated by the long word and the dividing polynomial, okay? As long you stay focus and keep up with the rules, you'll be fine," wika ko dito. I want to make her feel comfortable kasi alam ko na kapag hindi niya isasa-utak at puso ang ituturo ko, wala talaga siyang matututunan.

"Okay. Basta kapag hindi ko ito kinaya ngayon, huwag mo ipilit sa utak ko ah?"

I nod. "Opo. Promise." Inilipat ko ang page sa kung saan makikita ang definition. "Okay, before we begin. Let's remember the rules of dividing with sign, okay? Division and multiplication have the same rules..."

Tumango ang kasama ko. "Naalala ko. If pareho silang minus or plus, edi plus. At kapag magkaiba, minus naman. Diba?"

I nod. "Yeah. Pero maguguluhan ka kapag 'yan ang gagamitin mong term. How about we use the original term positive and negative? Comfortable ka ba?"

Ngumuso ito. "Slight lang. Mas naalala ko kapag 'yun ang tawag ko."

"Okay, then let's adjust sa kung saan ka mapapadali. But don't think na hahayaan kita, okay? Kapag nasanay ka na, change term na."

Tumango ito at seryoso nang nakinig. We continued our lesson for about two hours at naputol lang dahil tinawag na kami ng librarian at sinabihan magsasara na ang library. I'm happy to say na nagtagumpay ang lesson namin ngayon. Sarina listened intently at halata na gusto niya talagang matuto, and she did. Alam na niya ngayon kung paano mag solve. She even got seven out of ten sa pinasagutan ko sa kanya. All I can say is that I'm really proud of her.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon