Chapter Twenty

425 31 1
                                    

Sarina

Mabilis kaming napatalon palayo sa isa't isa, parehong pulang-pula ang mga mukha sa nangyare. Hindi ko inakalang mahahalikan ko ito! Grabe, bakit ang saya sa pakiramdam?

  Agad naman akong natauhan nang padabog na lumapit sa amin ang kambal niya, ang mukha nito ay namumula. "Really? Ito pa talaga ang aabutan ko, Sarina?" may halong inis na tanong nito.

  Tumayo ako sa higaan para harapin ito. "Mati... magpapaliwanag kami."

  Tumawa ito ng mapakla. "Wow! Explain mo sa akin na kaya mo kinakampihan itong magaling kong kambal dahil may relasyon kayo? Ang galing! At tinuring mo pa akong best friend sa lagay na ito, Sarina ah!"

  Tumayo na rin ang kambal niya at hinawakan ang balikat nito, na mabilis namang tinabig palayo ni Mati. "Mauritius! Walang kinakampihan ang kaibigan mo dito at wala rin kaming relasyon."

  "Wala kayong relasyon pero naghahalikan kayo? Ano tawag n'yo diyan?"

  "We were just caught up in the moment! Okay?" inis na rin na sagot ni Maurice.

  Napangiwi ako sa narinig. Akala ko pareho kaming nakaramdam ng attraction, nadala lang naman pala siya sa moment. Wow, ang sakit.

  Umubo ako at tinignan naman ako ng kambal. "Mati, totoo ang sinabi ni Maurice. Wala kaming relas-" naputol ang pagsasalita ko nang mag-ring ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni papa na nag-flash sa screen. Hindi kasi ito tumatawag ng basta-basta kaya mabilis ko itong sinagot.

  "Pa?"

  "'Nak? Asan ka?" hingal na tanong nito sa kabilang linya.

  Kinabahan naman ako sa tono ng boses niya. "Bakit po? Andito po ako kina Mati."

  "Andito kami ngayon sa hospital. Sinugod kasi si William dito. Kasama ko si Sandra at si Wendy. Pwede mo ba muna sunduin si Sandra dito kasi malapit na mag gabi?"

  "Anong nangyare kay Tisoy, pa? Ayos lang ba siya?"

  "Nilagnat kasi at nagka-diarrhea kaya sinabihan ko na si Wendy na ipatignan na namin. Nasa loob pa sila ngayon at tinitignan ng doctor."

  "Okay po. Punta na po ako diyan. Bye!"

  Nang magbaba kami ng tawag ay mabilis kong pinulot ang mga gamit ko, pati na rin ang uniform kong nakalatag sa gilid. Hindi na ako nagbihis dahil matatagalan lang.

  Takang nakatingin sa akin ang kambal, kaya sinabihan ko ito. "Pagpatuloy nalang natin ang interrogation sa susunod na araw ah? Kailangan ko pa pumunta sa Hospital para sunduin si Sandra."
 
  Napakurap si Mati at nag-iba agad ang ekspresyon nito. "Anong nangyare? Bakit nasa hospital si Sandra?"

  "Si Tisoy, sinugod nila papa kaya kailangan ko sunduin ang kapatid ko," mabilis kong sagot at isinukbit na ang bag sa balikat.

  "Let me drive you," mabilis na sabi ni Maurice, kung saan ito sinamaan ng tingin ni Mati.

  Nagsalita ang best friend ko. "Magpahatid tayo kay Kuya Paul."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon