Chapter Ten

517 35 12
                                    

Maurice

Alam kong hindi maganda na i-pressure ang mga kasama ko sa sayaw so I didn't push them further sa practice. Alam ko naman na alam nila why I'm doing this. I can be strict if it's almost our performance time, pero kapag malayo pa ay pinagbibigyan ko muna sila. In the end, kapag nagloko sila, sila rin naman ang maaapektohan.

Pagtungtong ng five ay nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa. Our practice is done pero kailangan ko pang hintayin ang sundo ko kaya umupo muna ako sa bench sa labas. I decided to open my phone at agad namang nag pop ang group chat kung saan sinali kami ni Sarina. They say na gusto daw nila ulit kami makasama kaya mas maganda na masali kami sa group. Nasiyahan naman ako kasi finally, I found some group na pwede ko rin mapag-relatetan. Plus, they are more better companion keysa sa mga kasamahan ko sa school. No offense, mas bet ko lang ang tatlong 'yun, and maybe si Sarina rin, keysa sa mga gossip makers na malalaki rin ang ulo kong mga kaklase.

GAYEARL: Guyyyyys! May mga lakad ba kayo ngayon? Tara sa tambayan. Gusto ko na lumabaaaas. 😭😭

Reece: Sure! Anong time?

GAYEARL: 7!!!!!

SheenShine: Gameee! Basta libre ninyo 'yung food na dadalhin ah? Ako na bahala sa upuan.

SarinaThePretty: PASAMAAAA👬👭!!! GUSTOQ GUMALA🏃‍♀️🚶‍♀️🧍‍♀️🤸‍♀️ KASO WALA🙅‍♀️ ME MASAKYAN PAPUNTA DOON ❌🏍️🚗 😭🙄😩☹️😢

Napairap ako sa kay Sarina. The girl is shouting hangang sa messenger. Also, hindi naman sa pagiging emoji hater pero bakit ang dami ng kanyang ginagamit? Nakakairita sa mata.

Maurice: @SarinaThePretty huwag ka nga sumigaw sa messenger. Kahit nagbabasa ako naririnig ko ang boses mo eh.

Maurice: And, guys, game ako! I'll bring the drinks.

GAYEARL: @SarinaThePretty ayan, momsh, pinapagalitan ka na naman ng cctv mo. Huwag ka daw kasi sumigaw. 😂

Reece: Yay! Sagutin mo na rin @Maurice ang pagkain. 🤣

Sheen: 😂 @SarinaThePretty pasundo ka kay @Maurice. Punta kayo ahhh!

SarinaThePretty: FINEEEEEE SIGE🤙👌 PAPASUNDO AKO KAY YAYA MAU BYE GUYS PRACTICE💃💃 PA ME INGAT KAYO 😘😘😘😘😍😍🥰🥰

Pinigilan ko nalang ang sarili ko na hayaan nalang ito at huwag ng mag-react sa kanyang periodless message na nagpapasakit ngayon sa mata ko. Nag-confirm na rin ako sa group bago ko tinago ang cellphone sa loob ng bag na dala ko. After twenty minutes of waiting, natanaw ko na rin ang sasakyan namin. Huminto ito sa harap ko kaya mabilis akong pumasok sa likod. Buong akala ko maaabutan kong nagkukulitan sa loob sina Sarina at Mati, pero si Sarina lang ang tao at busy ito sa kanyang cellphone. Mas nauna kasi silang sunduin dahil mas malapit ito sa dadaanan ni kuya.

"Asan po si Mati, kuya?" tanong ko habang inaayos ang seat belt.

Tinignan niya ako sa rear view mirror bago sumagot. "Nagpaalam po na mauna raw tayo eh."

Agad namang sumingit si Sarina,"May lakad daw siya, Maurice. At bago mo pa ako tanungin kung saan, wala akong alam."

"Bakit? Hindi niya ba sinabi sa'yo?" usisa ko.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon