Chapter Thirteen

449 30 8
                                    

Sarina

Nakakainis. Nakakaiyak. Nakakahiya. Hindi ko alam paano ko pa haharapin ang mga tao sa school matapos ang pagsagot ko. I know disappointed sa akin ang iba sa mga kaklase ko, lalo na si Mati dahil siya mismo ang nagsabi na dapat ipanalo namin 'yun. Pero hindi ko kinaya eh, mahina talaga ako.

Pagkatapos ng coronation ay inaya ko agad sina papa na umuwi. Mabuti nalang hindi sila nagtanong ni Ate Wen. Hinayaan lang nila ako na magmukmok sa likod ng sasakyan kasama ang dalawang bata. Pagkarating sa bahay ay dumeretso kaagad ako sa kwarto para magbihis. Hindi ko kayang tignan ang costume ko nang hindi nahihiya. Bakit ba kasi ganito ako? Bobo na nga, may takot pa magsalita sa harap. Umiiyak akong nagpalit ng damit, nagtanggal ng make-up, at nagligpit ng costume.

Makalipas ang ilang minuto ay may narinig akong mahinang katok sa pinto ko, at dahil alam kong magagalit si papa kapag nagkulong ako, mabilis ko nalang pinunasan ang luha ko sabay bukas dito.

Nasurpresa ako sa bulto ni Ate Wen sa labas. May hawak itong tubig na inabot niya sa akin. "Hi, Sari. Kumusta ka?"

Tinanggap ko ito at mabilis na ininom. Grabe. Uhaw na uhaw pala ako. "Thank you. Ayos lang ako, ate."

Binigyan niya ako ng ngiti sabay hawak sa balikat ko. "Ang totoo? Gusto mo ba pag-usapan natin?"

Umiling ako at bigla nalang nagsitulo ang luha ko. Kainis! Ang soft kasi ng boses ni Ate Wen kaya napabigay tuloy ako. "A-ayos lang ako," sagot ko habang humihikbi.

Malungkot itong ngumiti sabay hila sa akin sa isang yakap na hindi ko inakalang kailangan ko pala. "Ayos lang 'yan, Sari. You did your best naman eh. Para sa amin, ikaw pa rin ang panalo."

"Pe-pero nakakahiya ako."

"Shh, kinwento sa akin ng papa mo kung gaano ka katakot sa public speaking kaya alam ko kung bakit nagkaganun kanina, okay? Magaling ka naman, may takot ka lang."

Mas lalo lang akong naiyak. Hinigpitan ko lalo ang kapit ko sa kanya, dahil ngayon ko lang naramdaman na para bang kayakap ko mismo ang aking ina. "Nakakahiya ako. Nakakahiya."

"Shh, okay lang 'yan. Ilabas mo lang, iha, " malambing nitong bulong.

Hinayaan niya lang akong umiyak sa mga bisig niya. Hinimas himas niya ang buhok ko hanggang sa kumalma na ako. Tinulungan niya akong mag-ayos ng buhok, pati na rin magpunas ng mukha. Nahiya tuloy ako. "Sorry, Ate Wen. Nadamay ka pa sa drama ko."

"Huwag ka mag sorry aba. Andito kami ni William, Sandra at ng papa mo para suportahan ka, proud kaya kami sa'yo. Puro kami cheer kanina, alam mo."

Hindi ko mapigilan na mapangiti, kahit ang sakit pa rin. "Thank you."

Inaya niya akong bumaba para daw harapin ko na si papa na kanina pa nag-aalala sa akin. Nang makapasok kaming dalawa sa kusina ay sinalubong agad kami ng tatlo na may hawak pang cake.

"Congrats, anak!"
"Ngrats, ate!"
"Hello, Ate Sarina!" sabay nilang sigaw.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapaiyak ulit. "Bakit ba kayo ganito!"

Nilapitan ako ni papa at pinasa niya muna nag hawak niyang cake kay Ate Wen. "Congrats, my baby! Proud si papa sa'yo!" sabi niya sabay hila para yakapin ako ng mahigpit. Ending, napahagulgol ulit ako sa kanyang bisig.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon