Chapter Four

585 34 7
                                    

Maurice

Everything was going smoothly, not until nagbukas na ng bibig si dad. It's not just me who endures his broken record speech about not being good enough, kaming tatlo nina Mati at mom ay may kanya-kanyang part. Natatawa na nga lang ako at iniisip na baka bago siya umuwi ay nag eensayo ito sa kanyang sasabihin.

  Halos buong buhay ko palagi itong nakabantay sa mga ginagawa ko. As much as I want to get away from him, wala naman akong choice dahil andito si mom at si Mati. Hindi ko naman sila pwedeng iwan nalang.

  Inis akong tumayo sa hapag at umalis nang walang paalam sa parents ko. Nauna na si Mati na nag-walk out, as usual, ito'y sinermonan na naman dahil daw sa kanyang pagbubulakbul. Nakasalubong ko si manang na binigyan lang ako ng malungkot na ngiti. Sila at ang ibang kasama namin sa bahay ay saksi sa kung paano kami trinatrato ni dad. Hindi ko nga maintindihan eh, pwede naman sana kami bumukod dahil may pera naman si mom, pero para rin itong sunud-sunuran sa ama ko. I'm honestly frustrated with her for putting up with that demanding old man.

  Nang makarating ako sa taas, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko. Malakas ko itong sinara, siniguro kong maririnig nila, at patalon na umupo sa higaan ko. Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na ang sarili ko kaya napagdesisyunan kong magbasa muna. Nag-set ako ng time at bigla namang nagflash sa cellphone ko ang text ng librarian malapit sa simbahan. Sinabi nito na kailangan ko raw isauli ang isang libro dahil may isang estudyante na kailangan daw ito.

  Napaisip ako. Kung ipapagsabukas ko, makokonsesnya lang ako at makukulong sa bahay na ito. At kung isasauli ko naman ngayon, makakatulong ako sa estudyante at makakaalis pa ako sa bahay.

  Napangisi ako at mabilis na pinulot ang messenger bag ko. Ipinasok ko rito ang libro na pinapabalik, ang isang libro na babasahin ko, cellphone, at ang wallet dahil baka maubusan ako ng gas.

  Hindi na ako nagpaalam sa parents ko, hindi naman nila siguro mapapansin. Si mom, baka nasa kwarto na. Si dad naman, I'm sure nasa mini bar niya sa cellar. Bahala na sila. Sumakay na ako sa scooter at dumiretso na sa library. Nang makarating ako ay nagpasalamat ang librarian bago ako kinausap ng ilang minuto, nagtanong ito patungkol sa mga binasa ko at sa mga nangyayare sa paaralan. Pagkatapos ay nagbasa na rin ako ng dala ko hanggang sa magsara na ang library.

  Nakangiti akong bumalik sa scooter. Papaandarin ko na sana ito nang may napansin akong bulto ng babae na naglalakad papunta sa gawi ko. Nakayuko ito at abala sa kanyang cellphone, kahit hindi ko kita ang kanyang mukha ay alam na alam ko kung kanino ito.

  "Tumingin ka sa dinadaanan mo, Fausteo. Hindi ka sasaluhin ng cellphone mo kapag natumba ka," malakas kong sabi.

  Napatigil ito at nakakunot noo na tumingin sa akin. "At pake mo naman, Maurice?"

  "Wala, ayaw ko lang madumihan ang lupa."

  Pinandilatan niya ako ng mata at inis na lumakad ng deretso. Napataas akng kilay ko sa kanya. Alam kong hindi ito ang daan papunta sa bahay nila kaya mabilis akong sumakay sa scooter at sinundan siya.

  "Hindi naman sa pagiging chismosa, pero saan ang punta mo?" malakas kong tanong habang hinihinaan ang pagpapatakbo sa scooter.

  Nilingon niya ako ng mabilis at mas nilakasan pa ang kanyang mga hakbang. "Huwag mo na ako sundan! Mas mabuti pang puntahan mo si Mati, kailangan mo 'yun pagalitan."

  Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, mabilis kong tinigil ang sasakyan at bumaba para lapitan ito. "Huh? Anong meron kay Mati?" tanong ko habang hinahabol siya.

  Hindi ito tumigil habang nagsasalita, "Puntahan mo para malaman mo."

  "Hoy!"

  "Fausteo!"

  "Tumigil ka nga muna!" malakas kong tugon, sabay hila sa kanyang braso.

  Inis itong tumingin sa akin at umatras. "Ano ba! Ang lakas mo makahila, vice grip ka girl?"

  "Ikaw kasi, bakit ba ayaw mo akong sagutin?"

  Umirap muna ito bago sinampa ang kanyang likod. "Inaya ako ni Mati na uminom, like for the first time! Tapos napansin ko kanina habang nag-uusap kami na medyo may amoy ang kanyang bibig, narealize kong sigarilyo pala. At bago mo ako husgahan, hindi ako ang nagturo sa kanya ah. Sa katunayan, nag-away kami kasi pinagsabihan ko ito at sinagot niya naman ako na bahala ako. Like, what the hell? Can you believe it? Nangako pa naman kami na never kaming mabibisyo! Ulol talaga 'yun."

  Napakurap ako sa sinabi niya. First of all, ang bold niya mag assume na siya kaagad ang sisisihin ko. Tsaka, kailan pa natuto ang kapatid ko na magbisyo?!

  Nakakunot ang noo ko sa kanya. "Sure ka ba? Asaan ba siya ngayon?"

  "Pauwi na sa inyo. Tinakot ko na isusumbong ko siya kay papa at sa mama mo kapag hindi siya tumigil."

  Napakurap ulit ako sa kausap ko. "Eh? May nangyare ba?"

  Para naman itong tinanong ng pinaka-obvious na bagay. "Hindi ba kayo ang magkasama sa bahay? Bakit ako ang tinatanong mo?"

  Napataas ang kilay ko. "Kasi ikaw ang inaya niya?"

  Umirap ito at ipinag-krus ang kanyang kamay. "Alam mo, nakaka-gigil ka rin. Ano ba ang sumapi sa iyo at kinaya mo na nakausapin ako? Akala ko ba hindi kausap-usap ang mga katulad namin?"

  "When did I say that? Embento ka rin ah."

  "Hoy! Baka nakakalimutan mo mga inaakto mo sa school at noong nalaglag kami ni Mati sa lower section."

  "May pagkakaiba ang walang gana kumausap sa lahat at sa mga inaakusa mo, Fausteo. Akala ko ba bawal mang judge? Guess you don't live what you preach," seryoso kong sagot bago tumalikod para lumakad palayo.

  Masyado kong dinamdam ang sinabi niya. I mean, alam ko naman na hindi talaga ako namamansin sa kanila ni Mati, noon pa. Pero hindi naman dahil sa nasa lower section sila at sa status nila. That's an awful excuse to not talk to someone. I don't associate much with the two kasi alam ko naman na hindi rin nila ako isasali sa kanilang mga ginagawa. Most of the time, they are conspiring against me.

  Mabilis akong sumakay sa scooter at pinaandar ko ito, pero bago pa ako makaalis ay may narinig akong sigaw kay Sarina.

  "Sorry!"

  Pinag-balance ko sa dalawang paa ang scooter para lingunin siya. "About?"

  "Sorry sa sinabi ko. 'Yun lang talaga ang tingin namin ni Mati noon pa eh."

  I sigh and gently shifted the messenger bag sa tabi ko. "Alam mo, Fausteo, wala naman akong problem sa inyo ni Mati. Basta huwag ka lang mamilosopo, sasaya na ang mundo ko."

  Nagtaas ito ng kilay at biglang ngumisi. "Ahh, so sasaya ang mundo mo dahil sa akin? Crush mo na naman ba ako?"

  Namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. "Shut up, Sarina." Mabilis kong pinaandar ang scooter. "Tsaka tigilan mo na rin ang panunukso sa akin, please. It's not funny," dagdag ko bago pinaharurot ang motor ko palayo sa kanya.

  ABwesit na Sarina 'yan.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon