Chapter Twenty-three

502 35 19
                                    

Maurice

Nang makauwi ako ay dumiretso kaagad ako sa kwarto. Medyo pagod pa ako ngayon dahil sa byahe, pati na rin sa stress ng straight days of contest. But it was all worth it. Na-bag ko ang champion spot, with my partner Elaine. Hindi ko na muna inayos ang mga gamit ko, mas pinili ko na mahiga nalang at magpalunod sa comfort ng room ko. Ilang minuto ang nakalipas at nakaramdam ako ng pagkulo ng tiyan. Hindi na kasi ako nakisabay sa celebration dahil nagmadali akong umuwi. Bago ako tumayo ay inabot ko muna ang phone kong biglang nag ring. Nang makita ko ang pangalan ni Earl, mabilis ko itong pinindot.

"Hello?"

"Maurice! Nagbalik ka na raw?" rinig kong tanong sa kabilang linya.

"Yep. Kakauwi ko lang sa bahay. Why?"

"Kasama ko ngayon sina Sheen at Reece! Gusto ka sana naming batiin, tutal malapit naman kami sa village ninyo. May dala kaming foods. "

"Sure! I'll ask someone to let you in. Alam n'yo naman asan bahay namin noh?" I asked, getting up to change.

"Sige! See you mamaya!"

We ended the call at nagpatuloy naman ako sa pagbihis. After making sure na maayos na at presentable na ako, bumaba na ako. Saktong pagbaba ko ay ang pag-ring din ng doorbell. Pinapasok sila ni manang at binati ko ito isa-isa.

"Thanks sa food!" I said, guiding them papuntang kitchen.

Nang makarating kami ay inilapag namin ito sa mesa malapit sa counter at kumuha muna ng mga pinggan at baso para sa inumin at pagkain. Pagkatapos ay pumwesto na kami isa-isa sa upuan.

Binuksan ni Earl ang pizza box at tinignan ako, "Kumusta naman ang contest?"

"It was tiring, pero I had fun!"

Tumango sila at tinignan naman ako ng malalim ni Sheen. "Kumusta ka na, Maurice?" seryoso niyang tanong.

A little weirded out, I force a smile. "Ayos lang naman ako. Kayo ba? Kumusta kayo?"

"Stressed sa school," sagot ni Reece at inabot ang pagkain para ilagay ito sa kanyang plato.

"Oy! Si Sarina pala? Asan siya?"

Napaubo ako sa biglang tanong ni Earl. Sabay silang tatlo na napalingon sa akin kaya namula ako. "Sorry, nastuck lang ang food," depensa ko. I have no idea what she is up to ngayon. Hindi ko na kasi siya nakakausap makalipas ang dalawang linggo. Ang alam ko lang ay bati na sila ni Mati dahil pareho na naman silang nagkukulitan sa Facebook.

Nagtaas kilay si Sheen at tinuro ang pinggan ko. "Wala ka pang nilalagay na pagkain, Maurice."

Mas lalo akong namula na ikinatawa nilang tatlo. "Sus! Namention lang ang pangalan ni Sarina, namula ka na," biro ni Earl.

Bago pa ako makasagot ay bigla nalang kami nakarinig ng malakas na pagbukas sa pinto, kasunod nito ay ang sigawan ng dalawang pamilyar na boses. Nagtinginan kaming apat bago nalipat sa dalawang pigura na patakbong tinungo ang refrigerator. Nang mapansin nila na may iba pang tao, sabay silang napalingon. Pero hindi ko pinansin ang kapatid ko, nakapokus ngayon ang tingin ko sa kaibigan niyang nakatingin din sa akin. Bigla ko nalang naramdaman ang pag-init ng pisnge ko, na ikinakurap nito. Nagtaas baba pa ang kanyang mata, bago napansin ang iba naming kasama.

"Sarina!" malakas na wika ni Earl na nagpaputol sa katahimikan.

Napadpad ang tingin ni Mati sa kanila pabalik sa kaibigan nito at tinaasan siya ng kilay. "Close kayo?"

Mahinang tumango si Sarina. "Sila ang sinabi ko na ipapakilala ko sana sa'yo."

Mahina itong tumango at tinignan sila isa-isa. "Uh... Hi? Ako si Mati?"

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon