Chapter Seven

476 35 12
                                    

Sarina

Hindi ko na ginambala si Maurice kahit na hindi ko alam ang malalim na dahilan kung bakit niya ako ngayon sinasamahan papunta sa puntod ni Pat. Mas mabuti na itong may bodyguard ako keysa sa mag-isa lang. Loko kasi itong si Mati, hindi ba naman sumasagot sa message ko sa kanya.

  Napadpad ang tingin ko sa kasama ko. Nakasuot ito ng casual niyang jeans at plain top, pero nakaboots with silver thorn sa gilid. Para siyang bad girl chick na nakasakay sa kanyang pink-scooter. Ang astig.

Medyo may kalayuan sa lungsod ang simenteryo kaya fifteen minutes ang tinagal namin sa byahe. Wala masyadong sasakyan kaya agad kaming nakahanap ng parking space. Nilock muna ni Maurice ang kanyang scooter bago niya ako sinamahan sa paglalakad. Nasa likurang parte ang puntod ni Pat kaya kinailangan naming maglakad sa maputik na daan. Hindi naman nagreklamo ang prinsesa na ipinagpasalamat ko.

Ilang hakbang pa ang tiniis namin bago namin narating ang himlayan ng kaibigan ko. "Pat! Miss ka na namin!" malakas kong bati sa sementadong puntod. Lumuhod ako at itinabi ang dala kong bag. Nasa loob ang paborito naming pagkain-yema cake at isang bote ng orange juice. Inilagay ko rin dito ang kandilang inorder ko pa na naka-bird shape. Naalala ko kasi noon palagi niyang kinakanta ang 'I believe I can fly'. Kaloka lang talaga siya dahil niliteral ba naman ang paglipad patungo sa kabilang buhay. Sinindihan ko ito bago ako lumuhod para magdasal.

Ang ingay lang ng mga ibon at hangin ang tanging maririnig mo sa paligid, pati na rin ang paghinga ni Maurice. Hindi naman siya nakakatakot, mas mainam nga dahil nakakapagdasal ako ng maayos. Matapos ang aking panalangin ay umupo na ako at ipinwesto sa harap ang dala kong pagkain.

"Hoy, de Lazano! Umupo ka oh," alok ko at ipinagpag ang pwesto sa tabi ko.

Kinaladkad nito ang kanyang mga paa patungo sa akin."Akala ko hindi mo na ako aalukin."

"Heh, gutom ka ba?"

"May dala akong pagkain, sandale, magsisindi lang ako." Paluhod itong nagsindi ng kanyang dalang kandila sa harap ng puntod ni Pat bago bumalik para umupo sa tabi ko.

Ako naman ay nagbukas na ng dala kong yema cake at ipinwesto ito sa kanang kamay ko.

"Oy, akala ko para kay Pat 'yan? Bakit mo kakainin? Hindi ba dapat ialay mo 'yan?" tanong niya habang matalim na tinignan ang pagkain sa kamay ko.

"Para kay Pat nga, pero hindi niya naman kasi ito makakain kaya akin nalang. Ano akala mo bababa si Pat para kainin ang handog ko? Duh, syempre ako nalang magvovolunteer."

"Ang weird mo, Fausteo."

"Akala mo naman ikaw hindi," sagot ko kaagad.

Weird-weird ka diyan, Maurice.

May inilabas itong pagkain sa kanyang dalang bag at inilatag niya ito sa harap. "Nagbaon ako kasi alam kong matatagalan tayo dito."

"Paano mo nalaman?"

"Kasi kapag magkasama kayo ni Mati sa ganitong okasyon, inaabot siya ng alas dyes bago makauwi. Observation lang." Binalatan niya ang kanyang dalang saging bago ito kinain.

Ipinokus ko naman ang tingin ko sa yema cake sa harap. "Ahh, oo nga pala. Ikaw pala ang cctv namin sa bahay ninyo."

Inis niya akong tinignan. "What? At bakit naman cctv?"

"Kasi bantay sarado mo ang galaw namin ni Mati kapag nagkakasama tayo sa bahay ninyo."

"I'm just looking out for the both of you. Alam ko kung paano kayo maglokohan, ayaw ko na may masira o may mangyare sa bahay."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon