Chapter Fourteen

467 32 17
                                    

Maurice

These past few weeks have been weird, but the good kind of weird. Mas naging civilized na kami ni Sarina at minsan nalang kami nagbabangayan. Even my brother noticed it, pero hindi naman siya nagreklamo. Mas nasayahan pa nga siya dahil finally daw magkaayos na kami. The events back in July was long forgotten. Sinabihan ko kasi sila na huwag na ipaalala kay Sarina ang nangyare dahil magdadala lang ito ng hindi kaaya-ayang feeling. Hindi ko man sinasabi sa kanya, pero I'm proud dahil nakaya niya 'yun. The emotional moment we shared had melted all my annoyance towards her. Yes. Hindi pa kasi ako noon naka-move on sa nangyare sa amin noong summer in third grade. Feeling ko kasi pinagkaisahan nila ako at ang nararamdaman ko, which may seem ridiculous dahil bata pa kami, but it scarred me deeply. Pero okay na naman, naging clear na sa amin ni Sarina so it's fine now. Ang importante ngayon ay magkaayos na kami.

I am now on my way to the gym para ipasa ang portfolio about athletes na pinagawa sa akin ng guro namin sa PE. Sabi niya na gagamitin daw ito para sa upcoming sports meet. Papasok na sana ako nang makita ko si Sarina sa gilid ng puno malapit sa building, nakatungo ito sa harap ng kanyang notebook. She's clearly frustrated, base on her looks right now. Kaya itinago ko na muna sa bag ang portfolio, sabay lakad papunta sa kanya.

"Hey," I greeted, at mabilis itong kinalabit.

Napatalon ang kanyang katawan sa gulat, na nagresulta sa pagkahulog ng mga notebook sa lap niya. "Bwesit ka, Maurice! Huwag ka nga manggulat!"

Napatawa ako sa kanya. Mukhang stressed na nga kasi ang bilis nabad trip. "Ayos ka lang ba? Para kang lumaklak ng kape ah."

Umiling ito at pinulot ang mga nahulog na gamit. "Naiinis ako. Si ma'am sa math kasi, hindi daw tatanggapin ang papel ko kapag hindi ako nakapasa sa test. Eh hanggang twenty 'yun tapos 'yung passing score is fifteen."

"And? Ilan ba 'yung score na nakuha mo noong una?"

Napababa ito ng tingin sabay pitik sa hawak niyang papel. "Four," mahina niyang sagot.

"And si Mati? Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" tanong ko. Nagtataka lang kasi ako dahil madalas sa ganitong sitwasyon si Mati ang kasama niyang nagluluksa.

"Ahh. Wala. Busy siya eh. Tsaka nakapasa naman siya," mabilis na sagot ni Sarina habang nahihiyang kinakamot ang likod ng kanyang leeg.

Hmm, kinakabahan ito ah. "Sarina? May hindi ka ba sinasabi?" usisa ko.

Nanlaki ang mata niyang sinalubong ang tingin ko. "Ha? Ako? Wala ah!"

Nakapamaiwang na ako ngayon habang dinidilatan ito. "Go on, magsinungaling ka pa. Huling-huli ka na oh."

Umirap ito at nagpakawala ng buntong hininga bago ako sinagot, "Fine. Sige, aamin na ako. Pero huwag kang OA ah?"

"What? Hindi naman ako nag o-over react."

"Okay, hehe, ganito... Inaya ako ni Mati na gumamit ng answer key mula sa ibang section, pero natakot kasi ako kaya hindi ako pumayag. Ending, ako 'yung isa sa hindi nakapasa at si Mati naman na-perfect."

Uminit kaagad ang ulo ko sa narinig. "What the heck? Asan na 'yang gago kong kambal? Bakit naman siya nag-cheat? Hindi ba niya alam na pwede siyang mahuli at maireklamo kung sakali?! And heck, kapag nalaman ito ni dad patay talaga siya!" sunod-sunod kong sambit. Nagulat ako, yes. Hindi ko naman kasi inakala na kaya pala ng kapatid kong mandaya. Kung may tinuro man sa amin ang mga magulang namin na tama, ito ay ang hindi manloko.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon