Chapter Nine

471 35 6
                                    

Sarina

"Sorry talaga hindi kita nasamahan. Promise, pinagdasal ko naman si Pat sa simbahan noong dumaan ako kasi nakonsesnya ako big time."

Panglimang sorry na ito ni Mati sa akin. Kahit ilang beses ko na siyang sinabihan na kalimutan na, ayaw talaga i-let go. Nakokonsensya daw kasi siya dahil naiwan ako kasama ang kanyang kambal noong nakaraan. Deserve.

Speaking of kambal, ang epic ng reaction niya noong nalaman niya ang patungkol sa akin. Serves her right. Pinapangunahan kasi ako, akala niya alam niya na lahat. Jokes on her kasi may naging girlfriend na kaya ako. Hindi man kami nagtagal, at least may natutunan naman ako doon.

"Kalimutan mo na nga kasi 'yan, Mati. Ang tigas mo rin, noh? Kapag ako nainis, baka ikaw gawin kong kandila sa susunod nating bisita kay Pat."

Ngumuso ito at inakbayan ako. "Sus! Nakokonsesnya lang kasi talaga ako dahil hindi kita nasamahan."

"Huwag ka sa akin mag-sorry, aba. Sa kay Pat ka manghingi ng tawad, siya 'yung binisita ko doon eh. Anyway, nagdala ka ba ng speaker para sa sayaw mamaya?" tanong ko habang hinahanap sa bag ang baon kong extra white shirt. May practice kasi kami ngayon para sa dance competition kaya kailangan talaga namin ng extra shirt at speaker.

May kinuha si Mati sa bag niya bago nilabas ang mahiwagang Bluetooth device. "Oh, 'yan. Sana naman nagdala kayo ng powerbank para diyan."

May biglang sumingit sa usapan namin para ipaalam na meron daw kaya napangiti agad ang kaibigan ko. "Naks! Ready na ready sa practice itong mga 'to ah."

"Syempre, malay mo manalo tayo diba," sagot ng isa sa mga kaklase namin sa harap.

Tumango lang si Mati bago ako tinignan ulit. "So kumusta ang practice para sa Miss Nutrition? Kaya na ba patumbahin ang kambal ko?"

Ngumuso ako sa sinabi niya. Sa sobrang dami ng ganap sa buhay ko muntik ko na makalimutan 'yung sinalihan ko. "Alam mo naman kung gaano ka unbeatable 'yang sister mo. Pero ginagawa ko naman ang best ko."

Inakbayan niya ako at hinila sa braso. "That's the spirit, kaibigan! I'm sure mapapataob natin 'yun tapos maaayos na naman ang papel ko sa pamilya ko. Yay!"

Napailing nalang ako at tsaka sumagot, "Sige, kung saan ka masaya." Pero sa totoo lang, kinakabahan talaga ako sa pinasok ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na magsalita sa harap ng maraming estudyante. Noong sinabi ko ang pagsali kay papa, naging supportive ito. Pero napatanong din siya sa akin kung kakayanin ko daw ba humarap at magsalita sa maraming tao, sinagot ko nalang na oo. Para rin naman ito kay Mati.


"I owe you big time, Lou. Thank you talaga sa pagsama sa akin sa competition ah?" seryosong tugon ng kaibigan ko.

Binigyan ko ito ng ngiti para itago ang aking pangamba. "No worries. Ginagawa ko lang ito para pautangin mo ako sa future."

"Gago ka talaga. Tara na nga at may practice na."

Hinila niya ako paalis sa upuan at sinamahan sa labas ng cr para magpalit. Pagkatapos ay dumeretso kami sa field kung saan nakatambay ang mga kaklase ko.

"So may steps na ba?" tanong ko kay Ronalyn, ang president ng section namin.

Tumango ito. "Oo, pero konti pa. Hindi kasi namin alam ano ibabagay sa music eh."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon