Chapter Sixteen

497 35 13
                                    

Maurice

Kahit na ilang ayaw ko, napilit pa rin ako ni mommy na magsimba kasama ang kanyang asawa at si Mati. Sunday ngayon at mamayang nine na ang lakad namin para sa beach dahil birthday din ngayon ni Earl. As always, pakitang tao na naman itong ama ko sa mga nakakasalubong niya. Para talaga siyang clown, kulang sa kanya 'yung red nose.

Habang nasa kalagitnaan ng homily ang pari, inilibot ko ang tingin ko sa loob ng simbahan. Medyo punuan ngayon dahil nga second mass ito. Napadapad ang tingin ko sa nakaupo tatlong row lang ang layo sa amin. Si Sarina at kanyang pamilya.

Bigla namang bumulong ang kapatid ko sa amin. "Mom, lipat ako upuan ah? Nakita ko kasi si Sarina."

Tinaasan ito ng kilay ni mommy na muntik ko na ikatawa. "Stay put, Mauritius. Mamaya ka na maggala."

Ngumuso lang ang kapatid ko at nakinig na sa pari. Ako naman ay hindi maputol ang tingin kay Sarina. Minsan ko na itong nakikita noon na nagsisimba at let me tell you, her outfit never disappoints. Every Sunday ko ito napapansin na nagsusuot ng dress at heels. With make up. Am I ogling at her right now? There's a big fat chance. Paano ba naman, ang ganda niya kasi. After the last words of the priest, pinakawalan na rin kami. And as always, he was asking for more donations daw para sa natigil nilang project for a cause. A cause for nothing naman dahil the last time he said he needs money for renovations, napunta lahat sa isang mamahaling sasakyang ginagamit niya.

Nang makalabas na kami sa simbahan ay agad akong hinila ni Mati papunta sa kina Sarina. Nakatayo silang tatlo sa harap ng sasakyan nila na naka-park lang din malapit sa amin.

"Maurice at Mauritius! Magandang umaga!" masiglang bati ni tito.

Lumapit naman kaagad sa amin si Sandra sabay yakap sa isang paa ko at sa kabilang paa ni Mati. Ang cute.

"Good morning, tito." Binigyan ko ito ng ngiti sabay luhod para yakapin ng maayos si Sandra. Bumati rin muna si Mati bago inagaw sa akin si Sandra para buhatin.

"Himala hindi ka nasunog sa simbahan," singit ni Sarina.

Napataas ang kilay ko. Bakit nagmamaldita ito? "Bakit naman ako masusunog kung ako ay isang hulog ng langit?"

Umirap ito. "Hulog ng langit? Bakit? Si Satanas ka ba?"

Narinig ito ng ama niya kaya bigla siyang siniko. "Sarina! Mag sorry ka nga. Kakagaling mo lang sa simbahan."

Nag-sorry naman siya, pero halatang labag sa kalooban. Nagtataka tuloy ako bakit bigla itong nagsuplada, eh maayos naman kaming nagkausap noong isang araw.

Narinig ko na ang busina ng sasakyan nila mommy kaya inaya ko ma si Mati na bumalik. Nakikipag-usap kasi siya sa best friend niya. Nang makapagpaalam kami ay bumalik na uli kami sa sasakyan. Tahimik lang kami pauwi, si mom lang ata ang nakikipag-usap kay dad na parang pinagsukluban na naman ng langit at lupa.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkauwi. Ni-recheck ko muna ang mga dadalhin at ang regalo ko bago ako bumaba para magpaalam ulit kay mom. She just asked me a few questions bago ako pinayagan. When I was about to call Kuya Paul, nakasalubong ko si Mati na galing ata sa garage.

"Saan punta mo, sis?" tanong niya sabay tingin sa akin pataas at baba. I am wearing a sleeveless top paired with high waist short with flipflops dahil beach naman ang pupuntahan namin.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon