Chapter Fifteen

454 34 5
                                    

Sarina

Kasama ko ngayon si Sheen habang namimili ng ireregalo kay Earl sa birthday niya. Napagdesisyunan kasi niya na mag celebrate daw sa beach. Inaya namin si Maurice at Reece pero pareho itong tumanggi dahil si Maurice ay may training sa math quiz for regional competition, habang si Reece naman ay may laro sa basketball. Kaya ito kaming dalawa ni Sheen ang naiwan at pagala-gala ngayon sa store.

"Ano kaya ang pwede iregalo sa kanya?" tanong ko kay Sheen. Mas matagal na kasi silang magkakilala, baka may alam ito.

"Hmm. Alam mo nagpaparinig sa akin 'yun noong nakaraang araw. Sira na raw kasi ang airpods niya. Eh masyado namang mahal para sa budget ko. Wala pa kasi akong money,"  sagot nito, sabay linga sa kabilang gawi para tignan ang mga iba't-ibang gamit na nakahilera sa paligid.

Napaisip naman ako sa sagot niya. Kung 'yun ang magpapasaya sa kay Earl, what if bilhan nalang namin siya? Agad akong nakaisip ng ideya. "Huy! Half-half nalang tayo. Para naman may magamit siya, diba?"

Agad itong tumingin sa gawinko at mabilis itong tumango at hinila ako papunta sa naka display na airpods. Habang nasa kalagitnaan kami ng pamimili, nagsalita si Sheen. "Sarina, mabuti nalang nagkaayos na kayo ni Maurice noh? Grabe ang improvement n'yo ah."

"Ayos naman talaga kami kapag hindi niya lang ako minamalditahan. Nakakainis kasi minsan," sagot ko.

Napatawa ito. "Nakakatakot kaya siya kapag nagmamaldita. Anyway, hindi naman sa may crush ako, pero grabe ang ganda niya noh?"

Napatigil ako sa pagtitingin at napalibot sa kasama ko. "Huh?"

Binigyan niya ako ng ngiti. "Si Maurice. Diba maganda siya?"

Napakurap ako sa biglaang tanong ng kasama ko. "Si Maurice? Sa tagal kong nakasama ang babaeng 'yun walang araw na masasabi kong panget siya. Ugali niya minsan, oo. Pero siya? Grabe, kahit nagkachicken pox nga 'yun noon parang wala lang. Siguro nga nahiya pa ang virus sa kanya. Tapos 'yung mata niya, grabe kapag sumasaya numiningning. Tapos 'yung-" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang hinawakan ni Sheen ang balikat ko.

"Ikaw ah, yes or no lang ang question ko umabot ka na sa chicken pox." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi bago inakbayan.

Nahiya naman ako sa biglaan kong pa-speech. "Hehe, nadulas lang ang dila ko. Alam mo naman ako, talkative."

"Weh? Talaga ba?"

Mahina kong binangga ang braso ko sa tagiliran niya. "Huwag ka nga, Sheen. Baka ano na iniisip mo diyan."

"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang ininiisip ko, Sarina?" nakangising tanong nito sa akin.

Umirap lang ako sabay turo sa airpods na nasa harap namin. "Ayan. Ayan nalang ang bilhin natin."

Tumango ito at kinuha para ipa-check out sa cashier. Habang busy sa pag aayos ng binili namin ang nagbabantay, lumingon naman ang kasama ko sa akin. "Ikaw ah, ang bilis mo magpalit ng topic. Akala mo hindi ko napansin 'yun?"

Nagpanggap akong hindi naintindihan ang pinagsasabi niya. "Oh? Ang ano? Baka guni-guni mo lang."

"Psh. Guni-guni ko lang na pinaulanan mo ng compliments si Maurice with matching dreamy eyes? Umamin ka nga, crush mo ba siya?" dire-diretsong tanong ni Sheen.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon