Kabanata 29

4.3K 188 25
                                    

Kabanata 29

Breaking the Rocks

"Why do you want me to stay with Adina for a while?" I asked Exodus as we approached the car. Nasa balikat ko ang tote bag na ginagamit ko sa trabaho habang dala ko naman ang meryendang binili niya para sa akin.

"Basta. I just had to do something. Wala kang kasama sa bahay kaya doon ka muna."

"Huh? But I'm fine with just being alone in there. Saan ka ba pupunta?" I took wider strides so I could be on pace with him. Tumigil siya sa tapat ng kotse at binuksan ang pinto.

"It's Saturday tomorrow so just stay with Adina. May pupuntahan lang ako. I'll be back Saturday afternoon." Iniiwas niya ang tingin sa akin. I don't know if he's lying to me or not. Kung may tinatago sa akin si Exodus kailangang pilitin ko siya para malaman kung ano iyon.

"You're lying." I tried to catch him with that phrase. Kumunot lamang ang noo niya at mas nilawakan pa ang bukas ng pinto.

"I'm not, Honey. May pupuntahan talaga ako bukas. Wala kang kasama. I'll be bringing Manong Jobel and Mama's going to borrow Manang Bella."

"Bakit?" Hindi ako pumasok sa pintong binuksan niya. He looked at me then back at the door, senyales na gusto niya na akong pumasok.

"Bakit, ano?"

"Why would you want me to stay with Adina? Pwede namang sa Mama mo. Okay naman kaming dalawa."

"Nah." He shook his head. "I don't buy that. Mas panatag ako kapag na kay Adina ka."

I sighed. Hindi niya pa rin pinagkakatiwalaan ang Mama niya kahit na sinabi ko namang okay kami. He had seen his mom taught me things and yet! Ewan ko talaga sa lalaking ito.

I entered the car and put my things at the back. Napansin kong may malaking bag na nandoon kaya kinuha ko at ni-check ang laman. My mouth parted as I realized that those were my clothes. Dalawang pares ang nandoon at naka-pack naman ang aking undergarments.

"Exodus!" ginulat ko siya nang makapasok. He looked at me, flabbergasted.

"What is it—oh..." Nagkamot siya ng batok. "I had them prepared for you para hindi na tayo bumalik sa bahay at diretso ka na kay Adina. Don't worry, she knows you're sleeping there tonight."

Gusto ko sanang ibato ang isang set ng undergarments doon pero baka tuksuhin niya naman ako. I decided go out those back inside the bag. Binalik ko rin iyon sa backseat at ipinulupot ko na ang seat belt sa aking katawan.

Hinalukay ko ang dala niyang meryenda dahil binigay niya iyon sa akin nang sinundo niya ako mismo sa site.

"You went to Pueblo today?" sabi ko nang makitang galing sa isang fastfood ang pagkain.

"Yeah, bought some things," aniya pero wala naman akong nakitang plastic doon sa backseat. Maybe they're pocket-sized?

Mabilis lang ang biyahe papunta sa apartment ni Adina. Maliwanag iyon nang tumigil ang sasakyan ni Exodus sa harapan nito. Papalabas pa lang ako ng sasakyan ay binuksan na agad ni Adina ang pinto sa kaniyang apartment. Narinig niya sigurong may tumigil na sasakyan sa harap.

"Muriel!" Adina excitedly hugged me.  Halos di nga ako makahinga. We haven't seen each other last week because Exodus and I visited Manila. As usual, binisita ko sina Landon sa bahay nila pati na rin ang mga magulang ko.

"Baka mamatay na ang asawa ko dahil hindi makahinga, Adi," puna ni Exodus sa kaniyang likuran.

Kumalas naman agad si Adina sa kaniyang yakap sa akin. "She's fine, Exodus." She rolled her eyes.

Breaking the Rocks (Provincia de Marina Series #1)Where stories live. Discover now