Kabanata 37

4.3K 151 15
                                    

Kabanata 37

Breaking the Rocks

I couldn't sleep as I think about it. Parang binubulabog ako ng konsensya ko. I wanted to go and tell or ask Trisha if she knows about it. Kasi hindi ako matahimik at hindi nakakatulong sa akin iyon.

I kept tossing and turning on my bed. Sa huli ay naisipan kong bumaba ng kwarto at magtimpla ng gatas para sa sarili ko. It was already one in the morning. Tulog na ang mga magulang ko kaya naman wala rin akong makakausap.

After I made a glass of milk for myself, I went up to my room. Sa balcony ako lumagi habang niyayakap ako ng makapal na kumot. I had my feet off the ground and curled like a little child on the chair. Mainit sa kamay ko ang mug ng gatas.

I sighed heavily. Ibinubulong ng aking utak na huwag na akong makialam dahil buhay na nila iyon but a part of me wanted to interfere with their lives. Hindi pwedeng hindi malaman ni Trisha ang bagay na iyon. Her husband is cheating on her with my ex-best friend! Hindi ko alam na magagawa ni Arunika iyon. She's got everything. She can get any men that she wants so why settle for someone who has a wife? Ganoon na ba siya kagahaman? She knew that Marcus is married to Trisha. Alam niya iyon at kita niya naman iyon.

Pero ang bagay na mas bumabagabag sa akin ay kung bakit hinayaan ni Marcus na mangyari iyon. He's a lawyer, for pete's sake! Alagad ng batas ngunit siya mismo ang bumabali ng batas. He could be charged with adultery for doing that.

I can't believe I fell for someone like that. Iniisip ko rin na kung mas pinursige kong makuha si Marcus ay baka malagay din ako sa sitwasyong ito. If I were Trisha, I wouldn't hesitate to leave my husband. It's already too much. Pinakasalan mo nga dahil may tiwala ka pero...mababalewala lang pala iyon just because your husband thought he found someone better than you.

At kung sasabihin man ni Trisha na nagkakamali ako, tutulungan ko pa siyang mabisto si Marcus. Malinaw na malinaw naman sa akin na hindi basta-bastang paghawak at paghalik iyon. At kung magkaibigan man, friends don't kiss that way unless friends with benefits at parehong walang commitment sa ibang tao.

What are these people thinking?!

Wala muna akong pinagsabihan sa aking nalaman. I went out of the house and went somewhere else. Specifically, to Marcus' workplace to wait for him to come out.

Nang makalabas siya ay sinundan ko siya kung saan man magpunta. I had been more careful not to sabotage this plan of mine.

Normal ang umaga niyang iyon. Babalik sa firm pagkatapos makipagkita sa kliyente. So far there weren't any suspicious actions. Hanggang sa maghapon ay nandoon lang siya sa firm. Kapag tapos na ang work hours ay diretso ang kaniyang uwi.

"Where did you go today? Ang sabi ni Landon ay wala ka naman daw sa bahay nila," tanong ni Exodus sa kabilang linya.

"I went outside for refreshments. Hindi na kita inistorbo kasi alam kong abala ka buong araw." Humiga ako sa kama at tiningala ulit ang kisame. I can see Exodus face on the white surface. Hindi ko alam na posible iyon.

"Okay. Did you eat well, today? Ilang araw ka na riyan. I hope you're taking care of yourself, Honey."

"I am! Ikaw rin! Are you getting enough sleep, Exodus?"

He hummed, mukhang ayaw sabihin sa akin ang totoo. Binalewala ko na lang dahil kapag natapos ang eleksyon ay hindi ko siya palalabasin sa kwarto. I'll make sure that he gets the sleep that he needs.

Kinabukasan ay tinawagan ko si Ayana dahil pupunta ako sa bahay nila. I want to tell her what I saw because right now, she's the only person that I could trust. If I have someone with me to witness Marcus' infidelity, then it is easy to convinced Trisha that he was cheating on her. Hindi ko pwedeng sabihin kay Landon dahil malamang ay sasabihin niya agad kay Exodus.

Breaking the Rocks (Provincia de Marina Series #1)Where stories live. Discover now