Kabanata 30

4.8K 229 77
                                    

Kabanata 30

Breaking the Rocks

To have a candlelight dinner under the moonlight sky wasn't in my bucket list, more so, in a breathtaking view of the ocean featuring the pleasant sound of the waves hitting each other. Walang musika o kahit ano pero sapat na sa akin ang malamyos na bulong ng hangin sa aking tainga at mahinang kuliglig sa gabi.

"So where else did you go today, aside from arranging these?" I asked Exodus when we were almost finished with our main course.

"I went to the Municipal hall. I had to meet with my campaign adviser there first, pagkatapos ay namili na ako ng gagamitin."

"Campaign adviser? Hindi pa naman kailangan iyon, diba?"

"No, not yet, but we're already planning on what to do lalo na ang public service. Tinawagan lang nila ako kanina."

I bit my lower lip and nodded. Ngayon ay napagtanto kong hindi pa naman siya busy talaga tungkol sa election. Ilang buwan pa bago sila magsimula but there are times when we go to church, a lot of officials are there simply giving a second agenda after the mass. Hindi naman nakikisalamuha si Exodus sa kanila but he was also approached by many dahil ang iba ay nakatunog na na siya ay tatakbo, which I didn't like at most. Pero hindi naman mapipigilan iyon lalo na at si Exodus ay kilalang anak din ng Mayor at apo ng Gobernador. People won't hesitate to shake hands with him and even gave their promise to vote him on the coming elections.

"Aside from the site, where did you go today?" aniya at tumigil sa pagkain para ako ay tingnan.

"Wala akong pinuntahan. I just toured around the site. Siguro ay sinabi naman sa'yo ni Adina na magkasama kaming mag-lunch."

"Yeah, she mentioned. I told her to be with you today."

"Na hindi naman talaga kailangan. Imbes na nagpapahinga suya dahil Sabado ay inabala mo pa."

"Wouldn't want you to get sad and miss me too much." He smirked visibly and winked. Hindi ko napigilan ang pagrolyo ng aking mga mata sa sinabi niya pero hindi naman nakaligtas ang aking simpleng pagngiti.

The ribeye steak was good. Kahit doon pa lang ay nabusog na nga ako. What else can I say? Parang goal parati ni Exodus na busugin ako sa mga niluluto niya habang ako kapag nagluluto, basta't makakain siya ay pwede na. I now realized that I had been so unfair to him even in the kitchen.

Itinabi ko ang aking plato nang matapos na ako. Ipinatong ko ang siko sa mesa at sinalo naman ng aking kamay ang aking pisngi upang pagmasdan siya. My fingers were curled a bit as they touched my face.

The faint orange light of the candle was plastered on Exodus, illuminating his face. Sa bawat sayaw ng munting apoy ay dumidilim at lumiliwanag naman ang kaniyang mukha.

"You could have put this dinner inside. Medyo malakas ang hangin dito," puna ko dahil kanina ang iba ay muntik ng mamatay dahil sa ihip ng hangin.

"I've thought about this so much. I figured you wanted to have dinner in here. You haven't done it here, right?"

Tinanguan ko iyon. Kung hindi sa loob ng bahay, doon naman ako sa balkonahe ng kwarto kumakain. Pareho lang din naman na makikita ang dagat mula sa ganoong pwesto. Pero iba pa rin kapag mas malapit ang boses ng mga alon sa aking pandinig. Mas ramdam na nandoon ka talaga sa dalampasigan at ini-enjoy ang masarap na pagkain.

"Why the sixth month? Bakit hindi tayo nag-celebrate ng first, second, third, etcetera?" Pinagtaasan ko iyon ng kilay.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang plato na kaniya ring itinabi. He mirrored my position, ang isang siko ay nasa mesa at ang kamay ay nasa pisngi. I chuckled a bit.

Breaking the Rocks (Provincia de Marina Series #1)Where stories live. Discover now