Kabanata 5

5.5K 222 14
                                    

Kabanata 5

Breaking the Rocks

There wasn't any problem with staying the night at Exodus' house. Bukod sa maganda naman ang view, malakas din naman ang signal para maka-connect ako sa internet. There was a landline installed in his house and an internet connection. Kaya malaya akong nakakagamit ng social media accounts.

Though, I really hate what's coming out of my news feed. Lahat ay tungkol sa kasal nina Marcus at Trisha. Puro litrato ng dalawa at mga kaibigan ang nakikita ko. There was even a video with the priest announcing that Marcus could kiss the bride.

Nakakawalang gana. Sa inis ko, nakatulog ako nang maaga at hindi na hinintay pa ang presensya ni Exodus. He was downstairs and cooped in his office. Hindi ko nga alam kung nag tabi nga ba kami kagabi dahil mukhang hindi naman nagalaw ang side niya sa higaan.

I pulled the robe's tie and made a knot. Inayos ko ang pagkakalugay ng aking buhok bago ako dumiretso sa pinto ng kwarto. It was already eight in the morning at naririnig ko na ang magandang tunog ng pagtatama ng mga alon sa dalampasigan.

I went downstairs. May tunog na nanggagaling sa kusina kaya roon na ako dumiretso. Tumigil ako sa hamba upang panoorin si Exodus na nakatalikod sa akin. He was facing the stove, half naked. Tumaas lang ang aking kilay. Wala naman akong interes sa hubad niyang katawan. I've seen him countless of times being half naked before. May mga pagkakataon kasi noon na nakakasama ako sa mga outing nilang magkakaibigan. Even though I wasn't really welcomed. I was thick-faced and just invited myself.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa likuran ni Exodus. I finally entered the kitchen and made myself comfortable by walking towards the fridge and casually opening it.

Ramdam ko ang paglingon ni Exodus sa akin. Yumuko ako upang makakuha ng karton ng gatas. May iilan pang inumin doon, orange juice na nasa karton at chocolate drink. All in large box containers.

"Morning, Honey." I heard him greet me.

Umayos ako ng tayo nang makuha ang inumin. Napalingon ako sa kaniya, ang isang kamay ay nasa handle ng ref at ang isa ay nasa inumin. Tinitigan ko muna siya. He was facing me a bit. Kung ibababa ko pa ang tingin ay kakaway na sa akin ang ipinagmamalaki niyang magandang abs.

"Morning," I replied. Isinara ko na ang pinto ng ref at lumapit sa island counter. Inilapag ko roon ang gatas at kumuha ako ng babasaging baso na naka-display sa pabilog na glass rack.

Nagsalin ako ng gatas. Lagpas kalahati ang aking isinalin at agad ko rin namang isinara ang karton. Napalingon ako kay Exodus na nakatingin sa akin. Mukhang sinusundan niya na ako ng tingin mula pa kanina. I could hear the sizzle of what he's cooking.

My brow quirked a bit. "Baka masunog 'yang niluluto mo," I said.

He just smirked and shook his head. Hinarap niya na ulit ang induction. I pouted a bit. Baka kaya tumitingin sa akin ay naghihintay ng papuri?

For other girls, kapuri-puri naman talaga ang katawan niya. Too bad, he married me. Alam niya namang loyal na loyal ako sa katawan ni Marcus. The latter's body wasn't as lean and as muscular as Exodus, but it passed my standards. At saka hindi naman katawan ni Marcus ang minahal ko. His gentle personality attracted me and made me fall in love with him.

Napapitlag ako nang biglang tumabi sa akin si Exodus. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. He didn't see that I was glaring at him because he was busy transferring the food to the clean porcelain plate. Bumaba ang tingin ko sa pagkaing niluto niya.

Bacon at itlog ang nasa pinggan na pinagsalinan niya. Pinagsabay niya siguro ang dalawang niluluto.

"Do you want anything else? Hotdogs?" Nilingon niya ako.

Breaking the Rocks (Provincia de Marina Series #1)Where stories live. Discover now