Kabanata 4

5.7K 223 24
                                    

Kabanata 4

Breaking the Rocks

Napatigil ako sa pagsubo nang makitang nakaabang ang tingin sa akin ni Exodus. His eyes held amusement as he watched me. Sumimangot ako at agad na ibinaba ang aking kutsara.

"Why did you stop?" he asked.

I glared at him. "Baka sabihin mong patay-gutom ako."

"Hmm, we all know you're not like that. Sagana ka sa buhay."

I rolled my eyes and continued eating. Ang sarap kaya magkamay. It's been a while since I did this. Kapag nasa bahay kasi ay kailangang may proper etiquette. Kapag nasa condo naman ako, hindi naman ako madalas magluto at puro junk foods lang din. I know how to cook, alright. Simpleng pagkain lang naman para maka-survive. With my work, I don't really have time for myself especially that I am at the prime of my career. Kapag uuwi na ako, diretso na sa pagbibihis at pagtulog.

"Eat some more," Exodus urged. Inirapan ko lang siya. I don't really care if he sees me eating with my bare hands. Hindi ko naman siya pinakialaman nang gumaya siya sa akin.

I actually finished five cups of rice. Sinulit ko lang naman ang ulam na nakahain dahil minsan lang iyon. At saka sa isang linggo ng stay namin dito, hindi naman siguro palaging isda at lamang dagat ang kakainin ko.

Nang matapos kaming kumain ay gumayak na kami paalis. Nagpaalam si Exodus doon sa mga kakilala niya bago kami tumulak.

"So we're going to stay at your house here in Puerto? Iyo ba talaga iyon o baka sa pamilya mo?" tanong ko nang tinatahak na ng sasakyan ang daan. The other side of the road had a sight of the ocean. Sa kabila ay may mahabang stall din ng kainan.

"It's mine. Katatapos lang noong isang buwan."

Tumango ako at sumandal sa upuan. Ang aking mata ay nasa nadadaanan naming dagat. Kumikinang ang tubig dahil sa sinag ng araw. The waves were low, but they seemed wild. Ang dinig ko noon mula sa probinsyang ito, kapag summer mas madalas bumisita ang matataas na alon. They also hold a summer surf boarding competition every year. I did some research about it when I found out that Adina lived here for six years. Hindi ko naman alam na posibleng dito siya magpunta. I always thought that she went to the US after that accident back when we were in senior high school.

Nasaktan ako para sa kaibigan ko. I wasn't a good friend to Adina before. Gaya naman ng iba, nainggit din naman ako sa kaniya noon. She is smart and beautiful. Wala akong panama dahil ang naiisip ko lang noon ay magpaganda. I wasn't smart. Palaging nakadepende ang mga sagot ko sa test kay Adina.

But I realized I was really wrong to envy her. Adina is kind-hearted. Even though she knew I used her for my advantage, she never really vented out her frustrations at me. Kaya simula noon, naging totoo na ako kay Adina. I've strived hard not to depend on her too much. Nang matutunan kong gawin ang bagay na iyon, nadala ko hanggang sa mag-kolehiyo. College was really hard, and it needs perseverance and hard work. Hindi rin sapat na may talino lang, dahil kailangan ng diskarte. I learned how to stand on my own when I lost my friend.

"Adina really enjoyed it here, huh?" basag ko sa katahimikan.

Nasulyapan ako ni Exodus. "This is her paradise."

Indeed, it was a paradise. Hindi ko pa man nalilibot ang kabuuan ng Marina ay masasabi kong isa na itong paraiso. The blue waters looked enticing, maliban doon, ang mga ngiti ng mga tao kanina, nakakagaan ng loob. The foods were amazing.

May tinahak pang papasok na daan si Exodus. May matataas na puno ng niyog at kapag dadaanan na ng sasakyan ang daan ay medyo didilim. The white sand covered the dry land. Nararamdaman ko ang gaspang ng daan sa bawat pagtaas at baba ng gulong. I am sure there are small rocks being mixed. Nang lumagpas kami sa may niyugan ay bahagyang papaakyat na ang dinadaanan namin. Bumungad ang malawak na taniman ng bermuda grass.

Breaking the Rocks (Provincia de Marina Series #1)Where stories live. Discover now