Kabanata 3

6K 241 25
                                    

Kabanata 3

Breaking the Rocks

When I woke up, Exodus was still driving the car. Sinapo ko ang noo habang unti-unting umaayos ng upo. I realized that the car seat was reclined a bit. Tinanaw ko ang labas ng kotse at napakunot ang noo dahil parang ibang tanawin na ang natatanaw ko.

Agad akong napatingin kay Exodus. Mas lalong kumunot ang aking noo dahil nag-iba ang ayos ng aking sasakyan. Gone was the keychain I had just upfront. Wala na rin iyong maliit na notebook na inilalagay ko at iilan pang kalat.

"Where are we?!" bulyaw ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa akin mula sa tamad na pagda-drive.

He grinned playfully like a silly dog. "Just somewhere." He shrugged.

Umayos siya ng upo at pinag-igihan ang pagd-drive. Nagsalubong ang aking kilay dahil wala akong kaalam-alam sa nangyayari.

I then saw an arc. It says, Puerto de Marina. Lumawak ang aking mga mata. Wala sa sariling naabot ng aking kamay ang braso ni Exodus at kinurot iyon.

"What the hell?! Bakit tayo nasa Marina? And how the hell did we even get here?" Tumaas na ang boses ko sa kanya.

"We flew in a plane. Binuhat kita kasi hindi ka magising kanina. The flight took almost an hour," he nonchalantly explained.

Umikot ang aking mga mata. Gaano ako katagal natulog? At bakit sobrang himbing na hindi ko namalayang binuhat niya ako? And what the hell?!

"Bakit nga tayo nandito? Hindi ba't magl-lunch?"

Sinulyapan niya ako sandali. "You want sea foods right? Puerto de Marina serves the best seafood."

"Pero hindi mo kailangang gumamit ng eroplano? We could have just dined-in in some karenderyas!"

Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa awra ni Exodus ngayon, may nakikita na akong itim na usok sa paligid niya. His cute horns were showing as if he only just did a bad deed.

Mas lumawak ang aking mata nang nay mapagtanto.

Is this perhaps our honeymoon? Dito mismo sa Marina?!

"Exodus, you..." Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla na lamang tumigil ang kotse. Napatingin ako sa labas. Ni hindi ko namalayang nasa harap kami ng malapad na kubo. Lumagpas ang tingin ko kay Exodus. Something stirred inside my stomach when I saw the stalls of raw fishes outside being displayed. Parang nawala ang inis ko kay Exodus at lumiwanag ang aking mga mata.

Nararamdaman ko na ang pagrereklamo ng aking tiyan. I heard Exodus chuckled that's why my attention went back to him. Ipinakita ko sa kanya na hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa. I gave him the most visible frown my lips could ever curve.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm hungry so don't talk silly to me. Mamaya natin pag-usapan ang masama mong binabalak na aso ka," I told him.

Nauna akong lumabas sa kanyang kotse. I saw my bag on the back seat so I had to open the back seat's door in order to get it. Lumabas naman si Exodus at isinarado ang pinto.

May narinig akong bumati sa kaniya. My brows just arched. Nakita kong may mga taong naka-long sleeves pa roon. Mayroon ding may tela sa ulo na parang pamprotekta sa araw.

I think they were fishermen. Sa mga nakikita ko sa TV, gano'n ang mga gayak nila. They could be farmers but we're near the sea.

Lumapit na ako kay Exodus nang maisara ko na ang kotse. Exodus' car was a gray colored Mercedes Benz. Mukhang bago pa nga sa paningin ko dahil sobrang linis at wala pang gasgas. I think this is his car here in Marina. Ang alam ko kasi ay pabalik-balik din siya rito. He also stays here during summer. Ang rinig ko sa kwento ni Adina ay isa rin siyang volunteer ng coastguard. Other than that, he also helps in municipal works. He's good with papers and his father and grandfather are both officials of the Marina Province. Kaya kahit na businessman siya, hindi malayong makuha niya rin ang skill na mamuno sa probinsya.

Breaking the Rocks (Provincia de Marina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon