Kabanata 2

6.4K 238 21
                                    

Kabanata 2

Breaking the Rocks

Pinanuod ko lang ang pagsakay ng aking pinsan sa kanyang sasakyan. When he was out of sight, Exodus looked back at me. Pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan. I was still holding the bouquet of flowers because I don't have a plan of throwing it to anyone. Wala naman kaming bisita at hindi ko naman mahahagisan si Landon. Sayang lang ang ganda ng bulaklak kung sa kanya ko ihahagis. It would have been better if Landon's wife, Ayana, was here. It would have made me feel better. Bakit ba kasi naging pinsan ko si Landon?

"Let's go?" ani Exodus. Tiningnan ko lang ang inilahad niyang kamay at pinagtaasan ng kilay.

"I brought my car."

"Kaya nga. Tara?"

Kumunot ang noo ko. "Where is your car? Sa pagkakaalam ko pinakamamahal mo iyon at hindi mo maiwan-iwan."

"Iniwan ko. Nagpasundo ako kanina kay Landon."

Inungusan ko siya. Ibinaba niya na ang kamay nang hindi ko pinansin iyon. Exodus smirked at me before brushing his hair with his fingers. Ang kaninang suklay na suklay na buhok ay nagulo na.

"Where do you plan on celebrating our honeymoon?" kapagkuwan ay tanong niya.

"H-honeymoon?" I stuttered. It made his eyebrow arched a bit. Ang ngisi niya ay nagmumulto na sa kaniyang labi.

"Yes. We're married now. Hindi kumpleto ang selebrasyon ng kasal kapag walang honeymoon."

"In your face! Tigang ka na siguro, ano?"

He chuckled venomously, "Tigang? Ako pa talaga Muriel?"

Nagsalubong ang aking kilay at hindi siya pinansin. Agad ko siyang tinalikuran para hindi niya makita ang malalim na simangot sa aking mukha.

Eh 'di siya na ang hindi tigang! He's a playboy. Malamang ay gabi-gabi marami siyang babae. They could warm him up in a cold night. For sure, gabi-gabi ay iba. Baka minsan ay dalawa pa nga ang katabi niya.

I grimaced at the thought. Napaka kapal talaga ng mukha ng Felisarta'ng iyon! Ang kapal ding mag-alok ng kasal tapos galing pala sa iba't ibang babae! At honeymoon? Hinding-hindi niya makukuha iyon. I'll be busy with work and I have no time for his sexcapades or whatsoever.

"Honey," rinig kong tawag niya sa aking likuran sabay tawa. Mas lumalim ang aking simangot at napuno ako ng pagkairita.

Padabog kong binuksan ang pinto ng aking kotse. He followed after. Binalingan ko siya ng masamang tingin.

"Out!" I sternly said.

"Ano ako, aso?" Prente siyang umupo pagkatapos maikabit ang seat belt.

"Exodus, you don't act like a grown up man!"

"Same to you. Saan ka ba pupunta? We should spend the day together as married couples."

"Ewan ko sa'yo." Umirap ako. "I have work to do. Kung wala kang magawa ay matulog ka na lang."

"Sasamahan kita sa office mo. May gagawin lang ako."

"What?" Marahas ang pagbaling ko sa kaniya. "Exodus, what are you going to do?"

"What?" He feigned innocence. "May gagawin lang ako. You can continue your work afterwards."

Mas lalo ko siyang tinitigan. He gave me a grin before looking away. Bumuntong hininga ako at walang nagawa kung hindi ang mag-drive na lang.

When we arrived at our building, napagtanto kong sobrang out of place ng aking suot. I was wearing a white dress, samantalang si Exodus, naka-complete suit pa. Mapagkakamalan kaming dalawa na parang ikinasal kung magsasabay sa office.

Breaking the Rocks (Provincia de Marina Series #1)Where stories live. Discover now