Simula

15K 223 82
                                    

Simula

“Finally, I found you, Cheska!” Ani ng isang boses na nakapag patindig ng mga balahibo ko.

No, it can't be.

How come he find me. He find us. Hindi niya pwedeng malaman ang totoo.

Unti-unti akong humarap sa kaniya. Sa aking paglingon, nahagip ko kaagad ang kaniyang mga mata. Nanlilisik ang mga ito. Mukhang galit siya.

Kulay abo ang kulay ng mga mata nito.

Kakulay ng kaniyang mga mata.

“Calcifer,” wika ko sa pangalan niya. Buo ang boses ko ng sambitin ko ang pangalan niya.

Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosiyon kahit na sa totoo lang ay nanghihina ako at may namumuo nang takot sa puso ko.

Ilang taon ko rin siyang hindi nakita.

Akala ko ay hindi na kami muli pang magkikita. Akala ko ay hindi niya ako hahanapin pa.

Pero nagkamali ako.

Dahil nandito siya. Tila isa siyang god na nagmula sa Olympus. He is standing so firmly, both of his hands are on the inside of his pocket.

“How are you, Francheska?” nakangising tanong nito sa akin.

Wala akong maapuhap na mga salita na maaari kong sambitin. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko.

Nakaka-intimidate kasi siya. Pipihit na sana ako patalikod para mag walk-out ngunit hinigit niya ang pulu-pulsuhan ko.

“Where do you think you're going?” gigil nitong tanong.

Kung masisira lang agad ang mga ngipin niya. Paniguradong kanina pa nagsilaglagan ang mga iyon.

Umiigting ang panga nito na halatang nagpipigil lang na huwag akong masigawan. Nagbabaga ang kaniyang mga mata. Halatang halata sa abuhin nitong mata ang galit.

“After all of these fucking years of searching for you. Tatalikuran mo lang ako? Fuck, Francheska!” mahina ngunit may diin ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

Marahas kong hinigit ang kamay ko. Galit ko siyang inangilan.
Ang kapal naman ng mukha niya.

Gusto kong ilagapak ang aking kamay sa kaniyang pisngi. Ngunit pinigilan ko lang dahil ayaw kong makakuha ng atensiyon.

“Ano bang problema mo? Ha!? Hindi mo ba maintindihan na hindi kita totoong minahal kaya ako umalis. Na kaya ako lumayo ay dahil hindi kita minahal. I became your girlfriend not because I wanted to be but because you wanted it,” nang gigil din na wika ko.

Nagtagis ang kaniyang bagang. He close his eyes and took a deep breath. Pagbukas ng kaniyang mga mata, nag-iba ang ekspresyon niyon. Nagmamakaawa na iyon.

“Please, baby! Come home with me. I miss you and I love you. Please, take me back. Please!” gumagaralgal na ang boses na sambit niya.

Lumuhod pa siya sa harapan ko. “Francheska, mahal kita. I love you, dearly. Please, hayaan mo ulit akong mahalin ka. Please, let me take care of you again, Francheska,” sambit pa niya.

Sumasakit ang puso ko. Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. May dahilan ako kung bakit ako umalis. Kung bakit iniwan ko siya. Kung bakit nawala ako sa kaniya.

Hindi ko siya mahal noong umpisa pero nang lubusan ko siyang makilala ay tila nahulog ng tuluyan ang puso ko. Ngunit ang masaya namin sanang pagsasama ay napalitan ng kalungkutan at pighati. Kaya iniwan ko siya nang hindi niya nalalaman na kami'y magkaka-anak na.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now