Kabanata 4

3.5K 90 8
                                    

Kabanata 4

I stared at him with furrowed brows. Hindi ko alam pero nakakatakot talaga ang presensya niya. Tapos mas lalo akong natakot ngayon dahil nga bigla nalang siya sumulpot sa harapan ko.

Hindi ko maiwasang isipin na sinusundan niya ako o baka naman nagkataon lang. I'm just overreacting.

“So, nagustuhan mo ba yung flowers na ipinadala ko? Actually, I don't know if you'll like it. Nanghula lang talaga ako,” sabi niya. There's a hint of desire on his face.

“What do you need?” kalmanteng sinabi ko. Gusto ko siyang sigawan para paalisin na sa harapan ko pero kasi andaming tao kaya hindi ko nalang gagawin.

Duh! Ayoko nga ng eskandalo. Mapagalitan pa ako nila mama.

His lips parted. Hindi ata inaasahan ang tanong ko. Pero agad din naman siyang nakabawi. He took one of my hand and kiss the back of my palm. Agad ko iyong binawi sa kaniya.

Shocks! Is this man a crazy one?

“You. I. Need. You!” walang ka-abog abog niyang sinabi. Kaya mas lalo akong kinabahan.

Kinalma ko ang aking sarili. I took a sip on my juice and took a bite on the french fries. Nagugutom ako eh. I look straight into his eyes. There's still desire but I can't saw lust on it.

“Look, Cheska! I know it was so speed like a thunder but the moment I look into your eyes, I saw my life with you. You, being my wife and the mother of my children.” Hindi lang gulat ang naramdaman ko habang binibitawan niya ang mga salitang iyon. May munting pakiramdam akong naramdaman pero ipinagsawalang bahala ko iyon.

Hindi ko kailangan ng sakit ng ulo. Hindi ko kailangan ng nobyo. Marami pa akong nais gawin at hindi ko pa nagagawa iyon pero naiisip ko na gusto ko nang magka-anak.

This guy is a good catch. Mukha siyang nagmula sa prominenteng pamilya o kaya naman ay nagsumikap siya kaya niya narating ang tuktok ng tagumpay. He looks decent and his handsome but still I'm scared of his presence.

For the reason that his way older than me. Gusto ko yung magiging ama ng anak ko ay kasing edad ko o kaya naman ay may dalawang taon ang tanda sa akin, hindi iyong mas matanda pa sa akin.

“How old are you?” Hindi ko namalayang iyon pala ang lumabas sa bibig ko. Nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naging seryoso ito. Iba kasi ata ang inaasahan niyang sasabihin ko.

“I'm only 27 and you're 22, right?” Sabi niya.

“Nah, I'm 23. Something happens way back that I need to stop for a year.”

“Oww! But still, I'm not that old for you. It is just a four years age gap,” sabi niya ulit. Inirapan ko nalang siya. Ayokong kumontra at baka makasapak lang ako.

Ano naman ang paki ko kung four years lang ang age gap namin. Ni hindi ko naman siya gusto. Maarte na kung maarte pero hindi ko talaga siya gusto. I don't like a man way way older than me.

Mas mukha kasi siyang 30.

“Cheska!” Hindi ko namalayang may tumawag na pala sa akin. Nagulat ako nang mapagtanto kong si Monica iyon. Tumatakbo siya sa direksyon ko. Nakatalikod sa kaniya si Calcifer kaya hindi niya agad napansin ito.

Nakipagbeso siya sa akin. “I thought hindi ikaw. Mabuti nalang talaga sinipat ko ulit ang kinaroroonan mo.”

Uupo na sana siya sa harapan ko nang maulinagan niya si Calcifer. Kitang kita ko na nagulat siya. Napanganga pa nga ang babaita eh.

“Shit! Calcifer Argonia?” Napalakas ang sigaw niya kaya pati ang ibang taong nasa paligid namin ay napatingin na sa amin.

“Shut it, Monica. Ang ingay mo,” inis kong saway sa kaniya. Nag peace sign naman siya sa mga tao 'tsaka siya dahan dahan na naki-upo sa tabi ko. Umusog ako ng kaunti para maka-upo siya.

Amidst the Clandestine HeartacheOnde histórias criam vida. Descubra agora