Kabanata 6

2.7K 71 1
                                    

Kabanata 6

Nanatili lamang akong nakatingin sa aking ama. Nangangamba ako sa kung anumang lalabas na salita sa kaniyang bibig.

"Cheska, a-anak. Pa-patawad," nahihirapang sambit ni papa.

Ang mga luhang pilit kong pinipigilan ay walang pasabing umalpas sa aking munting pisngi. Batid ko na, kahit iyon pa lamang ang kaniyang sinambit.

Hindi matanggap ng aking sistema na ang amang aking iniidolo at ang padre de pamilya ng aming tahanan ay nagawang sirain ang pamilyang aking pinaka-iingatan . Ang pamilyang perpekto sa aking paningin.

Perpekto? Mayroon nga ba talagang perpektong pamilya? O ang aking utak lamang ang nagsasabi nito? Sa tingin ko ay wala naman talaga dahil lahat ng pamilya ay may itinatagong sikreto. Sikretong sisira sa magandang pagsasama ng isang pamilya.

"I hate you, Papa!" malakas na sigaw ko.

"Bakit mo kami sinasaktan ng ganito? Anong nagawa namin sa iyo? Saan nagkulang si Mama? Hindi ba sapat para sa iyo ang pagmamahal namin, Papa?" iyan ang mga katanungang aking ibinato sa aking ama. Mga katanungang nais kong mabigyan ng kasagutan.

Mga katanungang kay dali lamang sagutin ngunit tanging katahimikan lamang ang isinagot ng aking ama sa akin.

Nanatiling hilam ng luha ang aking pisngi. Nanatiling lumuluha ang aking ina sa aking tabi. Nanatiling nakatikom ang bibig ng aking ama.

Nais kong sugurin ang babaeng nasa tabi ng aking ama ngunit hindi ko magawa. May isang taong nabubuhay sa kaniyang sinapupunan. Hindi naman ako ganoon ka sama upang idamay amg isang nilalang na hindi pa namumulatan ang mundong kay gulo.

Napopoot ako.

"A-anak, hi-hindi ko nais na masaktan kayo. Isang pagkakamali lamang ang lahat. I was drunk that night when it happened. Hindi ko ginustong mabuntis siya."

Umiling-iling ako. Hindi matanggap ng sistema ko ang paliwanag ni papa. Muling sumubok si papa na hawakan ang aking kamay pero agad ko iyong tinabig at patakbong umalis. Narinig ko pa ang pagtawag ni mama sa pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin.

I run with my eyes covered with tears. At sa aking pagtakbo, hindi ko namalayan na ako pala ay nakarating na sa may highway at may paparating na palang humaharurot na sasakyan.

Nahagip ako niyon at tumilapon sa kung saan. Nagdilim ang aking paningin bago ako nawalan ng ulirat.

Flashback (Third Person's POV)

Nagkagulo ang mga tao dahil sa biglaang insidenteng naganap na kasangkot ang isang batang sa tingin nila'y may edad na hindi bumaba sa disi-sais.

Nagkaroon ng diskusyon ang mga tsismosang napapadaan. Habang ang ina ng bata na si Eliziea na humabol sa anak ay naratnan itong nakahandusay na. Walang malay tao ngunit humihinga pa.

Mabuti na lamang ay agad na may paparating na ambulansya na sa tingin niya'y may isang mabuting nilalang ang tumawag dito.

"Anak, Cheska, kumapit ka. Huwag mo akong iiwan, anak," mangiyak-ngiyak na sinambit ni Eliziea. Nakakapit siya sa pulsuhan ng anak. Nagdarasal din siya sa Panginoon na sana'y lumaban ang kaniyang anak upang ma-dugtungan pa ang buhay nito.

"Oh, Diyos ko. Hindi ko kakayanin na ako'y mawawalan ng isang anak na aking minamahal at inaalagaan ng lubos. Patnubay niyo po ang aking anak. Huwag niyo po sanang hayaan na siya'y mapahamak," mumunting bulong niya sa hangin. Umaagos ang mga luha sa kaniyang pisngi. Hindi iyon maampat.

Wala namang kaalam-alam sa kaganapan si Frainier dahil hindi siya humabol sa kaniyang mag-ina. Nag-aantay lamang siya roon sa loob ng kanilang bahay kasama ang babaeng nabuntis niya.

"Hindi pa ba tayo aalis? Nilayasan ka na ng mag-ina mo. Naiistress na rin ako, Frainier," nakataas ang kilay na ani ni Melina, ang babaeng nabuntis kuno ni Frainier ngunit hindi naman talaga si Frainier ang ama nang dinadala niya.

Isang Amerikano ang nakabuntis sa kaniya.

Nais niya lamang sirain ang pamilya ni Frainier sapagkat may lihim siyang pagsinta sa lalaki. Simula nang masilayan niya ito sa law firm at nabalitaan niyang bago itong abogado ng law firm ay kaagad niyang pinantasya si Frainier.

Hindi makapag desisyon si Frainier sa kung sino nga ba ang uunahin niya ngunit sa huli'y kaagad siyang tumakbo papalabas ng kanilang bahay.

"Frainier, ano ba!? Bumalik ka rito! Ah, aray!" Sigaw ni Melina. Ngunit hindi siya pinansin ni Frainier. Nagtuloy tuloy lamang ang lalaki sa pagtakbo.

Si Melina naman ay nakaramdam ng tila may kung anong umaagos sa kaniyang hita. Nang sipatin niya iyon ay nakita niya umaagos na ang mga dugo sa kaniyang hita. "Tulong! Tulungan niyo ako! Ang baby ko," pag-hingi ng saklolo ni Melina ngunit ang tanging taong naiwan lamang sa bahay na iyon ay si Franzen na tulog na tulog.

Sa pagdating naman ni Frainier sa lugar kung saan nasagasaan ang anak niyang si Cheska, tanging bulungan at tsismisan na lamang ang naabutan niya.

"Frain, pare, yung anak mo dinala sa hospital. Na-aksidente siya dahil sa humaharurot na kotse," si Berto, isa sa mga kaibigan niya.

Biglang nanlumo si Frainier. Nanlamig ang kaniyang kalamnan sa nalaman.

"Saang hospital?" nanginginig ang boses na tanong niya.

"Sa Digos Doctors' Hospital, Inc.," sagot ni Berto. Hindi na siya nakapagpasalamat sa kumpare dahil kaagad siyang tumakbo pabalik sa kanilang bahay.

Kinuha niya ang kotse niya sa garahe at mabilis itong pinaharurot patungong Digos Doctors' Hospital, Inc. Sa kaniyang pagdating doon ay agad siyang nagtungo sa hospital's front desk para itanong kung nasaan ang kaniyang anak na si Cheska.

Ginabayan naman siya ng nurse na naroroon at itinuro ang emergency room. Doon na siya dumiretso. Nakita niya roon si Eliziea, nakaporma ang mga kamay na parang nagdarasal.

"Eliz?" mahinang pagtawag ni Frainier sa pangalan ng asawa. Sinubukan niyang hawakan ang balikat nito ngunit agad na dumistansya sa kaniya ang asawa.

Hinayaan na lang muna niya ang asawa. Naupo siya sa sahig. Nais man niyang aluin ang asawa ngunit alam niyang napakalaki ng kaniyang kasalanan dito.

Tinitigan na lamang niya ang asawa. Nasasaktan siyang nakikita itong umiiyak at nahihirapan.

"Kasalanan mo ang lahat, Frainier," pagsisi niya sa kaniyang sarili.

Ilang minuto ang lumipas, biglang tumayo si Eliziea. Bahagya siyang lumapit sa asawa. Napakasama pa rin ng tingin nito sa kaniyang asawa. "Nasaan si Franzen?" malamig nitong tanong kay Frainier.

Napatayo bigla si Frainier nang maalala na naiwan si Franzen sa kanilang tahanan. "Iniwan mo si Franzen? Anong klase kang ama? Bakit iniwan mo si Franzen? Malamang ay naiwan din doon ang babae mo. Paano kung may gawin siya sa anak mo, ha? Tangina naman, Frainier. Sinasabi ko sa iyo, sa oras na may nangyaring masama kay Franzen. Hinding-hindi mo na malalapitan ang sinuman sa kanilang dalawa," nanggagalaiti sa galit na iwinika ni Eliziea.

Babalikan ko si Franzen,” iyon na lamang ang tanging naiwika ni Frainier bago iniwan si Eliziea sa pasilyo ng emergency room.

Patakbo siyang umalis doon. Muntik pa niyang maihulog ang susi ng kaniyang kotse habang inilalagay iyon sa buksan ng pinto. Hindi siya mapakali at hindi siya mapapanatag hangga't di niya nakikita ang bunsong anak.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now