Kabanata 13

2.6K 66 1
                                    

Kabanata 13

Matapos ang ilang oras na pagkukwentuhan ay napag desisyunan na naming umuwi na. Sinipat ko ang aking relo, alas otso na ng gabi. Kaya pala nagugutom na ako. Nag-aalburoto na ang mga bulate sa tiyan ko.

Nagyakapan muna kaming lahat bago umalis sila Lilybeth.

“Bye, Cheska, Monica! We'll see you both, tomorrow,” nakangiting paalam ni Lilybeth.

“Ingat kayo!” Habilin ko naman na tinaguan nilang tatlo.

Hinintay naman namin ang sundo ni Monica na hindi naman nagtagal ay dumating agad.

“Una na ako, Cheska. Ingat ka sa pagmamaneho. And don't be too harsh to Calcifer, okay! Bet ko talaga siya para sa iyo eh,” She said and pouted.

Ginulo ko ang buhok niya at niyakap. “Okay, I'll try my very best. Ingat ka rin.”

Sumakay na ito sa sasakyan na sumundo sa kaniya. Ako naman ay pumasok na rin sa loob ng sasakyan ko at pinaandar na iyon para makauwi na ako.

Sa pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay naabutan ko sila mama at papa. Magkayakap silang nakaupo sa mahabang sofa habang nanonood ng kung anumang palabas sa telebisyon. Napatangin sila sa gawi ko.

Kumalas si mama sa yakap at lumapit sa akin. “Bakit ngayon ka lang umuwi, anak? I texted you but you didn't answer back. I was just worried about you, anak. Dahil hindi ka naman ganitong oras umuwi,” nag-aalalang saad ni mama. Sinipat niya ang kabuuan ko.

Nang masigurong maayos naman ang lagay ko ay tumingin siya sa akin. Naglalambing akong yumakap kay mama. “Nagkatuwaan lang kami nila Monica, ma. Sorry. Pinatay ko kasi ang cellphone ko kanina kaya hindi ko nalaman na tinext mo ako. Huwag ka na mag-alala sa akin. Look at me, wala naman akong galos.”

Kumalas siya sa yakap ko at nag wika, “Ganun ba? Oh, siya. Kumain ka na roon. Initin mo na lang ang tinira naming ulam para sa iyo. At sa susunod, huwag mo nang patayin ang cellphone mo. Kahit kolehiyo ka na ay hindi mo maiaalis sa akin ang pag-aalala.”

“Okay, ma. I love you. Mwuah!”

Nagmano muna ako kay papa at humalik sa pisngi nito. Inilapag ko muna ang sling bag ko sa bilog na mesa na nasa gitna bago ako nagtungo sa kusina. Wala akong ate Minda na naabutan. Siguro ay nagpapahinga na ito. Gayundin panigurado si Franzen o kaya ay may ginagawa ito na may kaugnayan sa eskwela.

Adobo ang ulam. Natakam ako bigla pero ininit ko muna iyon dahil iyon ang sinabi ni mama. Pagkatapos ay masagana akong kumain. Ang sarap talagang kumain. Hindi ako sigurado kung sino ang nagluto. Pareho naman kasing masarap magluto si mama at ate Minda.

Hinugasan ko ang mga nagamit ko at pinatay na ang ilaw sa kusina.

Nang muli akong bumalik sa sala ay naroroon pa rin sina mama at papa. Tulog na sa balikat ni papa si mama. Kinuha ko ang sling bag ko at sumenyas kay papa na aakyat na. Tinaguan niya lamang ako.

“Good night, pa!” Bulong ko bago tulungang pumanhik patungo sa kuwarto ko.

Pagkapasok ko sa aking kuwarto ay dumiretso ako sa banyo ko at nag half bath ako. Nang makapagbihis ay kaagad kong kinuha ang sling bag ko para hanapin doon ang aking cellphone. Basta ko lang initsa sa lapag ang sling bag ng hanap ko na ang hinahanap ko. Wala naman akong ipapasa bukas dahil hindi nagbigay sa amin ng gawain ang mga prof ko.

I open my phone. When it turns on. Sunod-sunod na notification ang narecieve ko. Nakita ko ang text ni mama pero hindi iyon ang nakapagpawindang sa akin. It was Calcifer. All the notifications that I got came from him.

150 missed calls... 125 text messages... 100 voice messages...

The hell? Anong nasinghot ng lalaking ito? Is he for real?

Tamad akong basahin ang mga mensahe niya. Panigurado akong paulit-ulit lang naman iyon. Ma-i-i-stress lang ako sa lalaking ito kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Matutulog na lang ako. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad akong hinila ng antok.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Ginawa ko ang mga ginagawa ko sa pang-araw-araw na nagdadaan.

Sabay-sabay rin kaming kumain bago nagpaalam si papa na tutungo na sa kaniyang trabaho. Nagpaalam na rin ako dahil maaga pa ang pasok ko ngayong araw.

Nang marating ko na ang eskwelahan, isasara ko pa lang ang pintuan ng sasakyan ko ng may kamay na humawak sa braso ko.

Sa sobrang gulat ko'y muntik akong matapilok kung hindi lang ako naalalayan.

“Careful,” mahinang sambit ni Calcifer. Naamoy ko ang mabango nitong hininga. We're too close to each other. Bumagsak kasi ako sa matigas niyang dibdib.

“You okay?”

Inalalayan niya akong makatayo ng maayos. Sinipat ko ang kabuuan niya. He's wearing a gray suit. Magulo ang medyo may kahabaan nitong buhok.

He looks helpless but still handsome. Para bang ang laki laki ng problema niya.

Nangunot ang noo ko. “Should I be the one asking you that? Mukhang mas malaki ang problema mo kaysa sa akin eh.” I cross my arms.

“'Cause you're not answering my calls. I just want to ask you something, Cheska.”

Mas lalong nangunot ang noo ko. Inaalala kung may nasabi ba akong kung ano sa kaniya. Pero wala naman akong makuhang sagot.

“Ano bang itatanong mo? May I remind you, I'm going to be late if I'll stay longer. Masungit pa naman ang professor ko. Gusto mo bang mapagalitan ako?” Nakangiti kong tanong sa kaniya. I even pouted my lips.

He sighed and came closer to me. He automatically puts his arms to me that made him hugs me.

“I missed you.” He puts a gentle kiss on top of my hair and on my forehead. That made my world stops revolving. My heart beats faster than its normal heartbeat. Hindi dapat ako naaapektuhan sa mga ginagawa niya pero bigla ko na lamang naramdaman iyon.

“Goodluck to your class, love. I'll set a date for us to have a serious talk.”

Lumayo siya sa akin ng bahagya pagkatapos niyon. Ako naman ay naiwang naguguluhan sa nararamdaman.

I should stop what this kind of feeling I felt. I must protect my heart. I don't want to experience the same kind of pain my mother felt in the past.

He puts his hand on his suit. Then he handed me three chocolates. It was a Hany. Ito yung binibili sa tindahan na tig-do-dos.

Paborito kong kainin iyon noong bata ako. Bigla akong natakam sa tsokolate kaya kaagad ko iyong kinuha at nagpasalamat.

Para akong bata na natutuwa sa natanggap na pasalubong.

“I'll text you and please, reply to me,” he said and smile at me widely.

Tumango ako at kumaway sa kaniya. “Bye! Take care and drive safely!”

Kumaway siya pabalik at naglakad na paalis. Ako naman ay tinanaw siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Naglakad na ako nang hindi ko na makita ang kaniyang likod para makapunta na ako sa silid ko.

While walking, with determination, I promise to myself that I'll protect my heart at all cost.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now