Kabanata 5

3.3K 71 6
                                    

Kabanata 5

Flashback (Third Person's POV)
   
Grade 6, mula sa isang sulok ng silid, naka-upo ang isang batang babaeng nasa labing dalawang taong gulang. Mahaba ang kaniyang buhok na naka braid. May tatlong clip na nakasabit din sa kaniyang buhok. Pinagmamasdan niya ang maiingay niyang mga kaklase.
   
Sa kabilang banda naman ng silid, nakatayo ang isang batang babae na kasing edad lamang noong batang babae na nakaupo. Nakatingin siya roon sa batang babae.
   
She wants to introduce herself but that little girl looks so un-interested to make friends. Kinakabahan man ay pinili niyang kausapin ang batang babae.
   
“Hi, ako nga pala si Francheska Medel. Ikaw anong pangalan mo?” Magiliw na tanong ni Cheska. Malawak niyang nginitian ang batang babae.
   
Nakita niya rin ang gulat sa mukha nito.
   
“Ako? Kinakausap mo ako?” Nagtatakang tanong noong bata. Tumango agad si Cheska. Inilahad niya ang kaniyang kamay.
   
Nagugulumihan man ay tinanggap naman agad iyon ng batang babae. 'Tsaka ngumiti at ipinakilala ang sarili.
   
“Ako si Lilybeth Delailah.”
   
“Simula ngayon, ikaw na ang bestfriend ko,” masaya pang sabi ni Cheska kay Lilybeth. “At simula rin ngayon, Lily na ang itatawag ko sayo. Masyado kasing mahaba ang Lilybeth eh. Ayos ba, Lily?”
  
“Oo naman, Cheska. Bestfriend na kita.”
   
Nagtatalon sa tuwa si Cheska at inambahan ng yakap si Lilybeth. Simula rin sa araw na iyon ay hindi na sila mapaghiwalay na dalawa.
   
Grade 7, muli silang naging magkaklase. Silang dalawa ang palaging angat sa klase. Silang dalawa ang palaging ipanlalaban ng mga guro dahil sa angkin nilang katalinuhan.
   
“Cheska, ayaw ko sumali sa Science quiz bee. Kinakabahan ako eh!”
   
“Lily, huwag kang kabahan. Nandito ako. Ako ang mag checheer sayo. Ayos ba?” pinakita pa ni Cheska ang hintuturo niya na naka okay sign.
   
Napatango na lamang si Lilybeth. Niyakap naman siya si Cheska.
   
“Yehey! Sabi ko naman sayo eh. Oh diba, nanalo ka!” Proud pang sabi ni Cheska sa bestfriend. Nag apir silang dalawa.
   
“Salamat sa paniniwala sa'kin, Cheska. The best ka talaga. Ikaw talaga ang lucky charm ko!” Masaya silang nagyakapan na dalawa.
   
Grade 8, isang batang lalaki ang nakilala ni Cheska, ang pangalan niya ay Geoshua Sermintal. Nakilala niya si Geoshua sa kantina. Nakabungguan niya ito roon.
   
“Pasensya ka na, natapon pa tuloy ang inumin mo dahil sa akin,” hinging paumanhin ni Cheska. Pinunasan niya ang braso nito gamit ang kaniyang panyo.
   
Hindi batid ni Cheska na nakatitig lamang si Geoshua sa kaniya. May munting ngiti sa labi nito. Isang napakagandang dilag kasi ang nasa harapan niya ngayon.
   
“Ang ganda,” munting bulong ni Geoshua sa kaniyang sarili.  Agad rin namang umiwas ng tingin si Geoshua nang balingan na siya ng sulyap ni Cheska.

Tapos na si Cheska na magpunas sa braso nitong natapunan niya ng inumin, kanina.

“Pasensya ka na talaga. Hindi ko naman sinasadya,” paghingi muli nang paumanhin ni Cheska.

“Ayos lang iyon. Ako nga pala si Geoshua Sermintal pero Geo nalang ang itawag mo sa akin. Mas sanay kasi ako sa Geo dahil iyon ang palaging itinatawag sa akin ng lahat ng kakilala ko,” nakangiting pagpapakilala ni Geoshua kay Cheska. Inilahad pa niya ang kaniyang kamay sa dalagita.

Mabilis na kinamayan ni Cheska sa Geo. Sa tingin niya kasi ay muli siyang nakahanap ng panibagong kaibigan, sa katauhan ni Geo.

“Kinagagalak kitang makilala, Geo. Francheska Medel, ang ngalan ko pero maaari mo akong tawagin sa palayaw ko, Cheska.”

Inaaya niya sa Geoshua na samahan siya sa kaniyang silid upang makilala niya rin si Lilybeth. Sa pagtungo nila sa silid ni Cheska ay naabutan nila si Lilybeth na nasa bungad ng pintuan. Nakatayo roon na mag-isa.

Amidst the Clandestine HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon