Kabanata 12

2.8K 59 1
                                    

Kabanata 12

Nagbalik ang aking isipan sa kasalukuyan ng may kamay na humawak sa akin. It was Monica. She looks worried.

“Ayos ka lang ba, Cheska? Anong nangyari? May bumabagabag ba sa iyo?” Nag-aalalang tanong nito. Hinipo rin nito ang aking noo. “Hindi naman mainit ang noo mo. So, you're not sick.”

Hinawakan ko ang kamay ni Monica. I smile at her. “Hey! I'm okay. Naalala ko lang ang nangyari sa akin noon. Naalala ko ang pag-iyak ni mama ng muli niyang makita na magbukas ako ng aking mga mata. Ang nangyaring pagtataksil ni papa at siya ring naging dahilan kung bakit naging mailap ako sa mga lalaki. Ang pagkamiss sa akin ni Franzen at ang lahat ng kanilang sakripisyo para muli akong makaalala. Masaya ako dahil napakaswerte ko sa aking mga magulang. Hindi nila kailanman ipinaramdam sa amin ni Franzen na may kulang sa amin. Kahit hindi man kami sobrang mayaman. Masaya pa rin ako dahil buo ang aming pamilya.”

Saglit akong nanahimik. Naisip ko si mama. Napakasakit siguro para sa kaniya ang nagawang kasalanan ni papa pero pinili niya pa ring magpatawad. At nasisiguro kong ginawa niya iyon para sa amin ni Franzen. Pero alam kong mahal niya pa rin ang papa kaya isa rin siguro iyon sa dahilan kung bakit niya napatawad ang papa.

“I'm lucky too, Cheska. I'm lucky that I met you. Someone who is very strong and independent. Charming and loveable. Thank you, Cheska. For letting me be in your life. For being a very good to me.” Niyakap niya ako kaya gumanti rin ako ng yakap sa kaniya.

“Tara na nga. Bago pa tayo magkaiyakan dito,” aya ko kay Monica at hinila na ito.

Maayos namang natapos ang mga klase ko. Dalawang subject na lang ang napasukan ko dahil sa nangyari sa akin kanina. Nagkaroon ng special quiz at mabuti na lang ay nakapag-aral ako. Hindi ako nangulelat sa mga isasagot.

Minsan talaga mahirap maging istudyante. Nakakatakot pero masaya naman. Habang naglalakad ay nakatingin ako sa cellphone ko. Papunta na ako sa parking space kung saan naming napagkasunduan na magkita kita.

Hindi ko kasama si Monica dahil magkaiba kami ng subject kanina.

It was a text from Calcifer.

Hi, love. Want me to pick you up? I'm not busy today :)

Nangunot ang noo ko. Nawala panandalian sa isip ko si Calcifer dahil sa mga nangyari. Akala ko'y isa lamang siyang aparisyon. Walang koneksyon sa buhay ko.

Papatayin ko na sana nang muling tumunog. Ngayon naman ay hindi na basta text lang. Tumatawag na siya. Bakit ba napakakulit ng lalaking ito. Kailan kaya siya aalis sa buhay ko?

Hindi ko iyon sinagot. Hinayaan ko lamang na tumunog. Naririndi man ako habang naglalakad ay wala akong pakialam.

“Cheska!” It was Monica. She's half running. Tumigil naman ako sa paglalakad.

“Oh, Monica! Dahan-dahan ka baka madapa ka. Naka heels ka pa kasi.”

Yumakap siya sa akin kaya niyakap ko rin pabalik.

“Nakakainis, Cheska! Ang baba ng quiz ko.” Nakasimangot na saad nito.

Natawa naman ako sa itsura niya dahil mukha siyang aso.

Tinapik ko ang balikat niya. “Bawi ka na lang sa susunod. There are still so many next time. Alam ko namang kaya mo iyon eh.”

Amidst the Clandestine HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon